Ebanghelyo, Part 1, Patotoo ni Jesucristo This is a featured page

ANG PATOTOO N1 JESUCRISTO SA KATOTOHANAN (SA TALINGHAGA)

At si Cristo ay nagpasimulang magpatotoo o sumaksi sa Katotohanan, na nagsasabi, "Ako at angAma ay iisa." (JUAN 10:30). Ngayon, ito nga'y isang mabigat na pananalita na sinabi ni Jesus,na sa di-pagkaunawa ang mga Judio kapagdaka'y babatuhin siya, na nagsasabi, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. (JUAN 10:31-33).
(Kung tutuusin nga, kung ating gagamitin ang ating karnal o makalupang pag-iisip, ang sinabi ni Cristo ay hindi maaring maging tama, sapagka't siya ma'y tao rin (na gaya natin), na may lamang mortal na narnamatay, subali't ang Dios ay walang hanggang Espiritu. Kaya't paano nga kaya ang katotohanan sa sinalitang ito ni Jesucristo? Datapwa't ang Panginoon ay nagbigay sa kanila ng kasagutang lalong nagpagulat at nagpalito sa kanila, rnaging sa mga tagapagturo ng kautusan, nang kaniyang sabihing, "Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan)." (JUAN 10:34-35).
Ito ngang pangalawang pahayag ng Panginoong Jesus, mga kapatid, ay lalong mabigat at mas mahirap tanggapin: sapagka't hindi lamang niya pinahahayag na siya ay may pakikipagkaisa sa Dios, kundi kaniya pang pinapaalala sa mga Judio na nakikipagtalo sa kaniya na sila man ay mga dios din gaya ng sinalita ng Dios nang una pa man. Subali't muli ay dapat nating tandaan na ang Pagka Dios ay isang dakilang hiwaga, at ang kaniyang K.atotohanan ay siyang hiwaga ng Kaharian ng Langit. At sa ganitong kadahilanan, ay isinugo ng Ama ang kaniyang bugtong naAnak sa sanglibutan - upang kaniyang maituro at maipahayag ang hiwaga ng Katotohanan sa kanila na may malinis na puso at bukas na pag-iisip na makakilala sa Tunay at Buhay na Dios. Na yamang ang Hiwagang ito, dahil banal, ay ipinahayag lamang ng Anak ng Dios sa kanila na mga tinawag ng Dios ayon sa kanilang pananampalataya, upang maingatan ang kabanalan nito. Sapagka't sa katotohanan, ang pagkaalam ng hiwaga ng Patotoo ni Jesucristo ay hindi pinagkaloob sa lahat o sa marami, bagkus sa mga piling kaunti lamang, gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't marami ang mga tinawag, datapwa't kakaunti ang mga hinirang." (MATEO 22:14).
Kaya naman sa ganitong dahilan marahil, nagsasalita ng Panginoong Jesus sa karamihan sa talinghaga, ng mga salitang hindi madaling maunawaan. Datapwa't sa kanila na ibinigay sa kaniya ng Ama, gaya ng mga apostol at mga alagad, ay kaniyang ipinaliwanag ng mabuti at ipinahayag ang lahat ng bagay. Oo, mga kapatid, sa kanila lamang na binigyan ng karapatan na makaalam ng mga hiwaga ng Kaharian ng Langit, na pinili ayon sa kalooban ng Dios at di ng tao, ay ipinagkaloob ang Biyaya at Katotohanan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
Sapagka't sinomang mayroon ay bibigyan pa, na ibig sabihin, ang sinomang may banal na takot sa Dios, may pananampalataya, may pusong nagsisisi, at may bukas na pang-unawa, ay bibigyan pa ng higit na kaalaman at karunungan ukol sa Panginoon; Nguni't siyang wala, na ibig sabihin, ay wala nitong mga katangiang nabanggit, pati na ang buhay na nasa kaniya ay aalisin sa kaniya ng Dios, na siyang May-ari ng buhay. Sapagka't malungkot sabihin, na maraming niga tao, maging silang mga reliyoso, ang nagsikapal na ang mga puso at naging mga mapagmatigas sa kanilang sariling paniniwala, pilosopiya, at mga haka ng pag-iisip ayon sa karunungan at katuwiran ng sanglibutang ito; dahil dito'y ang Ilaw ni Cristo, na siyang Hiwaga ng Dios, ay hindi sumilay sakanila-at si Cristo'y naging sa kanila'y batong katitisuran at batong pangbuwal.
Datapwa't sa inyo, mga minamahal kong kapatid, ang aking dalangin nawa'y di kayo mapabilang sa mga itinakwil at mga nangapapahamak; bagkus sa kanila na may pananampalataya at may pagkakilala sa Katotohanan. Na patuloy ko pang dalangin na nawa'y ibilang kayo ng Dios sa mga hirang na kakaunti na binigyan ng karapatang makakilala ng hiwaga ni Cristo, tulad din naman ng pinagkaloob niya sa akin,na kaniyang abang lingkod, upang sa inyo'y akin namang maibahagi ng buong kaliwanagan ng pagkaunawa ayon sa sukat ng biyayang kaloob niya sa akin kay Cristo Jesus na ating Panginoon.


ANG PATOTOO NI JESUCRISTO SA KATOTOHANAN NG DIOS, NA NILIWANAG AYON SA PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO:



Mga minamahal, nang suguin ng Panginoong Jesucristo ang kaniyang mga alagad upang mangaral, ay inutusan riiya sila na nagsasabi, "Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan." (MATEO 10:27). Na ito nga'y nangangahulugan, na ang kaniyang sinalita sa talinghaga, ay dapat na nilang salitain ng maliwanag, at ang mga sinalita niya sa salawikain ay dapat nang sabihin ng malinaw; na nangangahulugan pa rin naman, na ang mga panahon ng talinghaga ay lumipas na. Sapagka't sa pamamagitan ng mga talinghagang pananalita nang magpasimula siyang mangaral ay kaniya na rin namang ipinahayag ang mga natatagong bagay o mga lihim na hiwaga mula pa nang itatag ang sanglibutan. (MATEO 13:34-35).


Sapagka't nang sa huli'y marating na ng Panginoong Jesus ang pagkapako sa krus, at sa pagkaalam na ang lahat ng bagay ay naganap na niya ay kaniyang sinabi, "Natapos na, Naganap na." (JUAN 19:28-30). Oo, sa katotohanan nga, ay buong katapatan at tagumpay na naganap o natapos ni Cristo Jesus ang kaniyang dakilang Layunin o Misyon. samakatwid baga'y, upang ganapin ang Kalooban ng Dios - na tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan, at magpatotoo o sumaksi sa Katotohanan na dito'y dapat tayong sumampalataya. Kaya naman mula noon, ay nagpasimula nang ipangaral ng mga alagad ang Evangelio ng Katotohanan sa mga may pananampalataya, sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo, na siyang Espiritu Santo, na ipinagkakaloob sa kanila na nangababautismuhan kay Gristo ayon sa katotohanan.


Gaya nga ng sinabi ng Panginoong Jesus sa kanila, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng Katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa boong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain:at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating." (JUAN 16:12-13).


Oo, mga iniibig, tunay na sa pamamagitan lamang ng Espiritu Santo o Diwang Banal, (na siyang Ikatlong Persona sa Dakilang K.abanalan o Santissima Trinidad ng Dios), kung siya ay dumating na sa isang tao ang siyang makapagtuturo sa atin ng katotohanan ng mga Patotoo ni Jesus sa mga talinghaga. Sapagka't ang Espiritu Santo nga ang ipinangakong tatanggapin ng bawa't isang sumampalataya sa kaniyang Anak, na siya rin namang ibinautismo ni Cristo, na siyang magpapabago ng ating espiritu at pag-iisip, upang tamuhin natin ang banal na personalidad ng sa Anak at sa Ama, upang tayo nga'y maging kabahagi na ng Pamilya o Sambahayan ng Dios. Gaya nga ng sinabi ni Jesus, "Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo. Datapwa't ang Mang-aaliw, samakatwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi." (JUAN 14:25-26).


Narito nga ang banal na karunungan, mga kapatid: Ang Dios ay banal at walang hanggang Espiritu, at ang kaniyang maluwalhating PagkaDios, ayon sa kaniyang sariling karunungan at kalooban, ay nahahayag sa kaniyang mga Banal na Persona, ang Ama (na siyang Pangulo at Manlilikha), ang Anak (na siyang Cristo, ang Manunubos, ang Anak ng Tao at Bagong Adam), at ang Espiritu Santo (ang Nagpapaging-banal, ang Tali ng Ama at ng Anak, ang Tali ng Dios at ng Tao, Yaong Espiritu na mula sa Ama at sa Anak, na siyang ipinagkakaloob sa kanila na nabautismuhan sa Katotohanan kay Cristo Jesus, upang gawin tayong isang bagong tao kay Cristo).


At si Jesus, na Anak ng Dios, ay nagsabi pa muli tungkol sa Espiritu Santo, "Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng Katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa boong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. Euluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. (JUAN 16:13-15).


At maliban na ating natanggap ang Espiritu Santo nang tayo'y sumampalataya kay Jesucristo, ay hindi pa rin natin malalaman ang Katotohanan at ang mga hiwaga ng Kaharian ng Langit. Gaya ng sinulat ni apostol Pablo, "Datapwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu: sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.


Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? Gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios. Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.


Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu. Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman. Sapagka't sino ang nakakilala ng pag-iisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya? Datapwa't nasa atin ang pag-iisip ni Cristo. (1 GORINTO 2:9-16). At ngayon nga, mga minamahal, sa udyok at gabay ng Diwang Banal ay atin ngang ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa malalalim na mga bagay ng Dios na sinalita sa patalinghaga ng Panginoong Jesucristo sa kaniyang patotoo sa Katotohanan ng Dios. Nawa'y buksan ng Panginoon ang mga mata ng inyong pang-unawa:
Nang magsimula ngang ipangaral ni Pablo ang Evangelio, ay sumulat siya sa mga kapatiran, na nagsasabi, "Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa Salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo, na dahil dito'y may mga tanikala ako." (COLOSAS 4:3). Datapwa't ano nga kaya ang hiwaga ni Cristo, na siya rin namang hiwaga ng Dios? At si Pablo ay nagpatuloy pang nagpahayag, "Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal, Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa kaluwalhatian." (COLOSAS 1:26-27).
Nguni't ano nga kaya ang ibig sabihin nito, na ang hiwaga ay yaong si Cristo ay nasa atin? Sapagka't muli ay sinabi ni Pablo ayon sa Espiritu, "Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? Maliban ng nga kung kayo'y itinakuwil na." (2 GORINTO 13:5).
At ano pang muli ang ibig sabihin nito, na kung tunay nating sisiyasatin at susubukin ang ating sarili ayon sa pananampalataya, ay masusumpungan nating si Jesucristo, angAnak ng Dios, ay nasa bawa't isa sa atin; maliban na nga kung tayo'y itinakuwil na? At kung ang Anak ng Dios ay nasa loob atin, ano rin nga tayo sa Dios? Bakit nga kaya sinabi ng Panginoong Jesus sa mga Judio na nakikipagtalo sa kaniya, nang kaniyang sabihing 'Ako at ang aking Ama ay iisa", na sinagot niya muli sila na sinasabi, "hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, aking sinabi, kayo'y mga dios?" (JUAN 10:34-35).
Ano nga baga ang Tao? At bakit naparito si Cristo sa anyo ng tao? Mga kapatid, tayo nga ngayo'y dumating na sa pinakaugat o sentro ng boong Evangelio ng Pag-ibig ng Dios sa sangkatauhan o sanglibutan. Bakit nga inibig ng Dios ang sanglibutan (SANGKATAUHAN), na dahil dito'y ibinigay niya ang sinisintang bugtong na Anak, si Jesucristo, upang mamatay para sa tao? Ano nga kaya ang katotohanan sa Tao na siya'y naging mahalaga at minamahal ng Dios? Bakit kaya nilalang ng Dios ang Tao sa Pasimula? At paano nauugnay ang tao sa Dios?

At gaya ng nasusulat, "Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi, Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin? 0 ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin? Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel; Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan, At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay." (HEBREO 2:6-7). Ngayon, hindi baga ito isang nakalulugod na pambukas unawa at nakaluluwalhating pag-angat para sa atin na sangkatauhan? Sapagka't maliwanag na ang tao ay mahalaga sa Dios, na ginawa siyang mababa lang ng kaunti sa mga anghel sa langit, nguni 't binigyan naman ng karangalan at kaluwalhatian, at inilagay pa sa ibabaw ng lahat na mga bagay na ginawa ng kaniyang mga kamay; na ang Dios ay may pag-alala sa kaniya atpagdalaw sa kaniya! Nguni't nananatili pa rin ang malaking katanungan, at Bakit nga?


Susunod:




lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Oct 20 2007, 7:53 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon


view changes

- complete history)
Keyword tags: ebanghelyo Gospel jesucristo
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)