Ebanghelyo, Part 1, Ang karunungan ng Dios ay sinalita sa HiwagaThis is a featured page

SAPAGKA'T ANG KARUNUNGAN NG DIOS AY SINASALITA SA HIWAGA, AT ANG KARUNUNGAN NG SANGLIBUTAN
AY HINDI ITO NAPAG-UUNAWA

Gaya ng sinulat ni Apostol Pablo, "Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pag-ibig, at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila ang Hiwaga ng Dios, samakatwid baga'y si Cristo, Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman." (COLOSAS 2: 2-3).

At muli, "Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala: Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa Hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin: Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno ng sanglibutang ito : sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng Kaluwalhatian." (1 GORINTO 2: 6-8).

Sapagka't nasusulat pa rin, sinabi ng Dios, "Iwawalat ko ang Karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait. Saan naroon ang marunong? Saan naroon ang eskriba? Saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan? Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisisampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral." (1 GORINTO 1:19-21).

Gayon nga, kung sa pamamagitan ng karunungan ng sanglibutan (ating makataong katalinuhan at unawa) ay hindi natin makikilala ang Dios, tulad ng pinatotohanan ng Dios na nagsasabi, "Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman." (JEREMIAS 4:22).
Kaya't sa ganito ring himig ay nagpatotoo si Jesus laban sa mga Judio, na nagsasabi "K.ung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios; At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapwa't nakikilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita." (JUAN 8: 54-55). At muli, "Oh Amang Banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin." (JUAN 17:25).

At ngayon nga, mga minamahal na kapatid, ay atin nang napag-uunawa na ang ating Panginoong Jesucristo ay nagpatotoo, hindi tungkol sa kaniyang sarili, kundi tungkol sa Dios, ang Ama, na siyang KATOTOHANAN, na hindi mapag-uunawa ng taong ayon sa laman, taong ayon sa sanglibutang ito.-Sapagka't dakila ang Hiwaga ng Kabanalan, at sa kanila lamang na mga tinawag Niya kay Cristo, Siya ay madadama at masusumpungan.


Susunod




lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Oct 20 2007, 6:03 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon


view changes

- complete history)
Keyword tags: ebanghelyo Gospel jesucristo
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)