Muli, ang kasagutan, mga kapatid, ay yaong isa pang katawan, ang panlangit o ang kaluluwa. Ang kaluluwa ang siyang hahatulan kung ito'y para sa ikalawang kamatayan o para sa walang hanggang buhay kay Cristo at sa Dios. Sila na nagsisampalataya sa Patotoo ng Dios na ibinigay sa kaniyang Anak na si Jesucristo ay hindi hahatulan ng ikalawang kamatayan bagkus magmamana ng pangako ng buhay na walang hanggan; nguni't sa kanila na hindi nagsisampalataya ay paparusahan ng ikalawang kamatayan, samakatwid baga'y ang pagkabulid ng kaluluwa sa Dagat-dagatang Apoy, at ang pag-alis ng espiritu ng buhay na mula sa Dios sa kaluluwang yaon.
At ang espiritu o diwa ay babalik sa Dios at muling lilinisin gaya ng una sa pamamagitan ng Walang Hanggang Liwanag, at hindi na magkakaroon pa ng alaala ng nakaraang buhay o kasaysayan. (Ito nga, mga kapatid, ay isang banal na unawa na pahimaton sa akin ng Espiritu Santo, na inyo namang muni-muniin sa inyong mga sarili). Datapwa't tungkol sa pagkatalaga sa tao ng kamatayan na minsan pagkatapos nito'y ang paghuhukom: Hindi ba natin napagwari, mga kapatid, na itong minsang kamatayan ng mga tao ay atin nang tinanggap kay Cristo Jesus nang siya'y mamatay dahil sa kasalanan ng sanglibutan?
Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo, "Sapagka't ang pag-ibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y ang lahat ay nangamatay; At siya'y namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi dahil doon sa namatay dahil sa kanilaat muling nabuhay." (2 GORINTO 5:14-15). "0 hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan:na kung paanong si Cristo ay nabuhay na magul i sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan." (ROMA 6:3-7).
Kaya nga, mga kapatid, kung tunay nga tayong sumampalataya kay Jesucristo at sa hiwaga ng pananampalataya ay nangamatay na kalakip niya, at sa ganito rin nama'y nangabuhay na mag-uli sa kaniya sa espiritu, Ano pa kayang paghuhukom pagkatapos ng 'kamatayang minsan' ang naghihintay sa atin? Ito kaya'y paghuhukom na ukol sa kaparusahan o patungo sa buhay? Tulad nga ng sinabi pa ni Pablo, "Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan." (ROMA 8:1-2).
Pagpalain nawa ang Dios dahil sa kamangha-manghang biyayang ipinagkaloob niya sa ating kay Cristo Jesus! At sa huli, ang ating Panginoong Jesus din mismo ang nagpatotoo kay Marta tungkol sa pagkamatay ni Lazaro. --- Mana ay nagsabi sa kaniya, "Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw.Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli. At ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang' nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?" (JUAN 11:23-26).
Mga kapatid, atin na ngang subukin ang ating pananampalataya kay Jesucristo: Atin bang pinaniniwalaan at kaya ba nating sampalatayanan ng walang anomang pag-aalinlangan, na tayo na nagsasabing sumasampalataya sa kaniya, ay hindi na mamamatay, gaya ng kaniyang sinalita? Hindi baga ito'y mabibigat na pananalita, oo di ba?
Gayon ma'y ito'y tunay at totoo, yun nga lamang si Jesus ay nagsasalita ayon sa espiritu at katotohanan; na nangangahulugan, na ang sinomang namatay na kalakip niya sa bautismo ng kamatayan ni Jesus, sa pamamagitan ng mahiwagang paggawa ng Dios, ay mabubuhay na mag-uli, at gayundin naman ang sinomang nabubuhay sa espiritu ayon sa bautismo ng pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo sa mga patay, ay hindi na makasusumpong pa ng kamatayan.
Kaya nga't silang nanga kay Cristo na namatay sa pisikal na laman ay hindi tinatawag na "mga patay" kundi "mga nangatutulog kay Cristo". Gaya ng nasusulat, nang maalaman ni Jesus na si Lazaro ay namatay, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Ang ating kaibigang si Lazaro ay natutulog; datapwa't ako'y paroroon sa kaniya upang gisingin siya sa pagkakatulog". Datapwa't sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, "Panginoon, kung siya'y natutulog siya'y gagaling". Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog. Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, "Si Lazaro ay patay". (JUAN 11:11-14).
At sa ibang pahahon at lugar din, nang si Esteban ay pinagbatuhanan hanggang sa mamatay ng mga judyong hindi tumatanggap na kaniyang patotoo kay Jesucristo, nasusulat, At kanilang pinagbatuhanan si Esteban na tumatawag sa Dios, at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu. At siya'y lumuhod at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag ninyong ibilang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi nito'y nakatulog siya. (GAWA 7:59-60).
At muli, ay sumulat si Apostol Pablo na nagsasabi, "Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pag-asa. Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na mag-uli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit,na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na mag-uli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito." (1 TESALONICA 4:13-18).
At patungkol din naman sa patotoo ng Panginoong Jesucristo, na nagsasabi, AKO NGA ang Pagkabuhay na Mag-uli at ang Buhay, ay hindi naman siya nagsasalita ng patungkol sa kaniyang sarili lamang bilang Anak ng Dios o ang Gristo, bagkus higit sa lahat ay pinatotohanan niya na ang Dios, ang Ama mismo, na siyang nagsugo sa kaniya upang sumaksi sa Katotohanan, na sa pamamagitan ng kapangyarihan at kaluwalhatian nito ay ibinangon siya mula sa kamatayan. Sapagka't ang Panginoong Dios mismo din naman ang nagpahayag tungkol sa kaniyang sarili na nagsasabi ng "AKO YAONG AKO NGA o AKO ANG PANGINOON (EXODUS 3:13-15).
Sapagka't ang Dios ang siyang tunay na BUHAY, ang Buhay na Walang Hanggan, at sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu o Hininga ng Buhay ay nagkaroon ng buhay ang tao maging buhat pa nang pasimula; at ito rin ang siya ring AKO NGA ng Dios Ama na tumatahan sa taong si Jesus, na kaniya namang tunay na pinatotohanan, na nagsasabi, "Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. Datapwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama" (JUAN 10:37-38).
Muli, si Jesus ay sumigaw at nagsabi, "Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin " (JUAN 12:44). At muli, ay sinabi niya, "Ang nagtatakwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita. ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw. Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain. At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita" (JUAN 12:48-50). Sa katunayan nga, mga minamahal na kapatid, ay buong katiyakan ngang itong Taong si Jesus, ang siyang Saksing Tapat at Tunay na Propeta, ang Cristo o ang Manunubos at Tunay na Anak sa kaniyang Ama, ang Buhay at Makapangyarihang Dios. Amen.
Mga minamahal, akin na munang tatapusin ang unang bahagi ng sulat na ito tungkol sa maluwalhating ministerio ng Evangelio ni Cristo. Sa susunod na kabanata ay sisikapin kong ipagpatuloy sa inspirasyon ng Espiritu Santo na paliwanagin pa ang Patotoo ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesiicristo tungkol sa Katotohanan at sa Salita ng Dios.
Atin ding tatalakayin ang mga Utos at Katwiran ng Dios, na itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad upang sila'y mamalagi sa Daan at manatili sa kaniyang Biyaya. At sa huli, kung loloobin ng Dios, aking wawakasan ang ating pag-aaral ng Katotohanan ng Evangelio sa pagpapahayag ng Banal at Di-inuusal sa bibig na Pangalan ng Dios, ng Makapangyarihang Ama, na lubos nating tatalakayin sa ikatlo at huling kabanata ng aklat na ito.
Samantala, ay sumainyo nawa ang Pag-ibig ng Dios Ama, ang Biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, at ang Pag-aliw at Kagalakan ng Espiritu Santo sa lahat ng sandali. Euwalhatiin at pagpalain ang Kaniyang Pangalan magpakailan man. Hosanna sa Kaitaasan at sa lupa'y kapayapaan. Maranatha (ang Panginop'y malapit na). Amen +
SA BANAL NA PANGALAN N1 CRISTO, ADONIS B. DONATO
There are no threads for this page.
Be the first to start a new thread.