Ebanghelyo, Part 1, Dakila at Banal na Hiwaga ng DiosThis is a featured page

ANG DAKILA AT BANAL NA HIWAGA NG DIOS
SINO ANG NAKAKILALA SA KANIYA? 0 SA KANIYANG ANAK?
ANO ANG KANIYANG BANAL AT LIHIM NA PANGALAN
NA DI DAPAT MASAMBITLA NG BIBIG?

Mga minamahal ng Dios, tayo nga'y magmuni-muni panandandali at pagbulay-bulayin sa ating puso ang mga kaisipang ito:

Ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat, ang Lumalang ng Langit at Lupa at lahat ng mga sangkap niyaon, Ang Ama ng mga Espiritu, Ang Kataastaasan na tumatahan sa walang hanggang Liwanag na di masilayan ninoman, Ang lisang Tunay at Buhay na Dios - Sino Siya? Ano Siya? Sinong nakakita o nakakilala sa kaniya? 0 Ano ang kaniyang banal at dakilang Pangalan? Sino nga kaya ang talagang makakakilala sa Dios, maliban Siya mismo ang magpakahayag sa tao ayon sa kaniyang sariling kalooban?

Alalaon baga'y si Salomon, ang marunong na hari, sa espiritu ng Panginoon ay nagwika sa atin na nagsasabi, " Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang Pangalan, at ano ang Pangalan ng kaniyang Anak kung iyong nalalaman?" (KAWIKAAN 30: 4).

Katotohanan, mga kapatid, aking sinasabi sa inyo, na ang Dios ay mayroong banal at dakila at lihim na Pangalan, at gayon din ang kaniyang Anak, na nahayag bilang taong si Jesus, ay mayroon ding banal at lihim na Pangalan, na di malalaman ninoman malibang ito'y ipinagkaloob sa kanya ng Dios kay Cristo. Sapagka't ito, ang Pangalan, ay banal at sagrado at hindi marapat mabanggit sa bibig ng tao. Nguni't hayaan ninyo sa Panginoon na aking talakayin ang bagay na ito sa mga huling bahagi ng aking Eyangelio, sapagka't ang kaniyang Pangalan ay siya ring Katotohanan at Hiwaga ng Kaharian ng Langit.

Datapwa't ngayon, dahil sa kaniyang malaking pag-ibig sa tao, ay nagpahayag ang Dios ng kaniyang sarili sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng paggawa ng isang Bagong Tipan, na itinalagang tanging Tagapamagitan ang kaniyang Cristo.

Gaya ng nasusulat, "Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sangbahayan ni Juda. Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang, Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, at akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.

Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel, Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko: At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan, At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing, Kilalanin mo ang Panginoon; Sapagka't ako'y makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila. Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko naaalalahaninpa."(HEBRE08: 8-13).

At sa mga unang bahagi ng ng aking kalatas ay napagtanto na natin kung paano ginanap ng Dios ang Kalooban niyang ito, sa kaniyang pagsugo sa kaniyang Anak sa sanglibutan upang maging Korderong Alay sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, at gayundin naman upang maging siyang Tunay na Propeta na magsasalita ng mga salita na ilalagay ng Dios sa kaniyang bibig. (DEUTERONOMIO 18: 18-19)

At muli, Ginawa rin Niya siya na maging Saksing Tapat upang magpatotoo sa Katotohanan. (JUAN 18:37). Gaya ng nasusulat, "Sapagka't ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ang Biyaya at ang Katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesucristo." (JUAN 1:17).

Ngayon nga, gaya ng atin nang napag-alaman, ang Biyaya ay ang kaloob na Kapatawaran at Katubusan sa mga kasalanan sa pamamagitan ng Mahalagang Dugo ni Gristo, na tatanggapin ng sinomang sumampalataya at tumanggap ng Katotohanan na pinarito ni Jesucristo upang saksihan at patotohanan.

DATAPWA'T ANO MUNA ANG IBIG SABIHIN NITO?
NA GINAWA NG DIOS ANG LAHAT NG MGA BAGAY
MULA PASIMULA HANGGANG WAKAS AYON SA PANUKALA
NA INILAYON NIYA KAY GRISTO NG UNA PA

Gaya naman ni Apostol Pablo, ayon sa udyok ng Diwang Banal, ay sumulat ng ganito, "At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; Upang ngayo'y sa pamamagitan ng Iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,
Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:"(EFES03:9-1 !).Na yamang Panganay na Anak, siCristo ay kasama na ng Dios Ama sa pasimula pa lamang, gaya pa rin ng sinulat ni Pablo tungkol sa kaniya, "Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan: Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang Panganay ng lahat ng mga nilalang; Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat ng mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay ay magkaroon siya ng kadakilaan. Sapagka't minagaling ng Ama na ang boong Kapuspusan ay manahanan sa kaniya." (GOLOSAS 1: 14-19).

Ngayon nga'y tiyak na, mga kapatid, na ang lahat ng mga gawa ng Dios na kaniyang ginawa ayon sa kaniyang sariling panukala at kaluguran - samakatwid baga'y mula sa Paglalang ng Langit at ng Lupa, at ang lahat ng mga sangkap niyaon, Ang Pagsubok at Pagkahulog ng Tao, Ang Paggunaw ng unang Mundo sa pamamagitan ng Baha, ang paggawa ng Unang Tipan, at ang pagbibigay ng mga Kautusan, Ang pagdating ng Cristo at ang Pagtubos sa pamamagitan ng Kamatayan sa Krus, ang pagkakaloob ng Biyaya at Pagpapabanal sa Espiritu Santo, hanggang sa Pagbabalik ng Anak ng Tao, ang Huling Paghuhukom at Pagsasauli ng lahat ng mga bagay sa Dati, ang Pagluluwalhati at ang Buhay na Walang Hanggan - samakatwid muli, mula sa Pasimula hanggang sa Wakas, mula sa Walang Hanggan hanggang sa Walang Hanggan: ang lahat ng mga Plano at mga Gawa ay kaniyang isinagawa at gaganapin kay Cristo, at sa pamamagitan ni Gristo, at para kay Cristo.

Kaya't si Pablo ay muling sumulat patungkol kay Cristo, na sinasabi, "Datapwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan; Nguni't sa kanila ng mga tinawag, maging mga hudio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios... Datapwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungan mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan." (1 CORINTO 1: 23,24,30).

Yamang gayon nga, na siya ang larawan ng Dios, at karunungan at kapangyarihan ng Dios, ay maliwanag lamang na wariin na ang totoong nakakilala kay Cristo ay nakakilala na rin sa kaniyang Ama; gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama." (JUAN 8:19). At si Juan Bautista ma'y nagsabi tungkol sa kaniya, Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang Bugtong naAnak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa Kaniya. (JUAN 1:18).

Kaya nga't nang hilingin sa kaniya ng kaniyang alagad na si Felipe na ipakita sa kanila ang Ama, ay sinabi ni Jesus, "Malaon nang panahon ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?" (JUAN 14: 8-9).

Subali't sandali muna, mga kapatid, at ating buksan ang ating unawa: ano nga baga ang ibig pakahulugan ng ating Panginoong Jesus nang patotohanan niya, na ang nakakilala sa kaniya ay nakakilala na rin sa Dios, at ang nakakita sa kaniya ay nakakita na rin sa Dios? Ito ba'y nangangahulugan at patungkol sa kanila lamang na nakakilala sa kaniya at nakakita sa kaniya ng personal sa laman o sa pisikal na pagkatao?

Si Jesus baga'y nagsasalita ng ukol sa laman o sa espiritu? Walang salang sa espiritu nga, mga minamahal! Sa ganito lagi nagpatotoo ang Cristo tungkol sa Dios at sa kaniyang Salita, ayon sa Espiritu at Katotohanan - sapagka't ang Espiritu ay Katotohanan. Kaya nga't nang ang mga Judio, pati na ang karamihan ng kaniyang mga alagad ay nangalito at nangatisod nang kaniyang sabihing AKO ANG TINAPAY NG BUHAY, ang Panginoong Jesus ay nagpaliwanag sa kaniyang bukod-tanging mga alagad, na nagsabi, "ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko ay pawang espiritu, at pawang buhay." (JUAN 6:48-63).

At tungkol naman sa pagkita ng mukha ni Jesus sa laman, bilang tao, tayo baga'y dinadala sa pag-iisip na sila lamang na nakakita sa kaniya sa laman (nang siya'y pumarito sa lupa noong una) ang nakakita na nga sa mukha ng Dios? At paano naman tayo, sa kasalukuyang bagong panahon, na hindi nakakita sa Panginoong Jesus sa laman, tayo baga'y aasa lamang sa pinapaniwala sa atin ng mga. relihion na anyo o wangis ng mukha ni Jesus na iginuhit nilang nagpapalagay na nakakita ng mukha ng Anak ng Tao nang unang panahon? Huwag nawang mangyari!

Sapagka't HINDI ito ang tunay na pakahulugan ng mga Patotoo ni Jesucristo. Sapagka't nalimutan na ba natin ang sinabi ng Dios na walang taong nakakita ng Mukha ng Dios at nabuhay! Gaya ng sinabi ng Dios kay Moises, "Hindi mo makikita ang aking Mukha: sapagka't hindi maaring makita ako ng tao at mabuhay" (EXODO 33:20).

Kaya nga, bilang kawangis ng Dios, si Cristo ay hindi naparito sa lupa na taglay ang larawan ng mukha ng Ama; na hindi nga maaari sapagka't baka makita ng sinomang tao ang kaniyang mukha, at mamatay. Datapwa't sa kabilang dako nga, alinsunod sa di malirip na karunungan ng Dios, na sumisira sa karunungan ng marurunong at nagpapawalang kabuluhan sa mga matatalino, ay ipinadala ng Dios ang kaniyang Anak na hindi nagtataglay ng kagandahan ayon sa laman. Gaya nga ng sinabi ng propeta Isaias tungkol kay Cristo, "Sinong naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang Bisig ng Panginoon? Sapagka't siya'y tumubo na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.

Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya. Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo." (ISAIAS 53:1 -5).

Kung gayon nga, ayon sa dakilang karunungan ng Dios, ay sinugo niya ang kaniyang Anak sa lupa, hindi taglay ang kagandahan ayon sa laman, upang tingnan kung sino ang sasampalataya sa kaniya, hindi dahil sa kaniyang magandang anyo o mukha, kundi dahil sa katuwiran at katotohanan ng kaniyang mga salita. Sapagka't talos nga ng Dios na ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo ng tao at humahatol ayon sa nakikita ng kaniyang mata.

Sapagka't ang isang taong ayon sa laman ay maari lamang naniwala sa nakikita ng kaniyang mata at nadadala sa kagandahan o kapangitan ayon sa udyok ng kaniyang pusong makalupa. Gaya ng nasusulat, "Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan ng mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita" (HEBREO 11:1).

At muli, si Pablo ay sumulat ng ganito, "Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan." (2 CORINTO 4:18). At muli, (Sapagka't nagsisilakad kami sa pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin): (2 GORINTO 5:7).
"At muli, hindi baga pinagwikaan ng Panginoong Jesus ang kaniyang alagad na si Tomas, na hindi siya lubos na naniwala na siya'y bumangon muli sa mga patay, malibang makita niya sa katawan ni Jesus ang mga sugat ng pako ng krus: na sinabi ng Panginoong Jesus, " Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisisampalataya." (JUAN 20:29). Sapagka't ating munimunihin ito, mga kapatid: Nang si propeta Samuel ay sinugo ng Dios na pumaroon sa tahanan ni Jessie upang piliin si David sa gitna ng kaniyang walong (8) anak, ay binalaan siya ng Dios, sapagka't nang makita niya ang panganay na si Eliab ay sinabi niya na tiyak na itong nasa harap niya ang hinirang ng Panginoon. Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, "Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakwil siya: sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso." (1SAMUEL 16:6-7).

At sapagka't ang Dios, sa katotohanan, ay Espiritu, at ang Anak ng Dios ay Espiritu rin, kaya't si Cristo na naparito sa katawang laman at naging taong si Jesus, ay nag-utos sa atin na ang pagsamba sa Dios ay sa espiritu at katotohanan; gaya nang nasusulat, na sinabi ni Jesus, "Datapwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at katotohanan." (JUAN 4:23-24).

Kaya't tayo'y magsipag-ingat, mga kapatid, na huwag dayain ang ating sarili. gaya ng ginagawa ng marami, na nagsisigawa ng larawan o imahen ng mukha o kaanyuan ni Jesucristo ayon sa kanilang sariling imahinasyon, ayon sa sariling haka ng kanilang puso, at masdan upang sambahin o gawing dios-diosan, na akalaing ang ganitong pagsamba ay nakalulugod kay Cristo at sa Dios. Sapagka't sa kabilang dako, ang ganitong kusang pagsamba ay niwawalang kapurihan ang kaluwalhatian ng Dios at ng kaniyang Cristo. Gaya nga ng sinabi ni Pablo ayon sa Espiritu, "Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang. At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang. . . Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa." (ROMA 1:21-25).


Na tungkol naman sa pagkakilala kay Jesucristo ayon sa kaniyang kaanyuan sa laman noong siya'y unang naparito sa lupa, ay sumulat muli sa Apostol Pablo na nagsasabi, "Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinonian ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon. (2 GORINTO 5:16). Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan." (2 COR1NTO 3:17).

At upang magkaroon tayo ng ideya ng kaluwalhatian ng larawan ni Cristo, ating tunghan sa aklat ng Apocalipsis o Pahayag kung sa paanong anyo nagpakita si Cristo sa minamahal na apostol Juan, nang siya ay nasa isla ng Patmos at nasa sa espiritu sa araw ng Panginoon: "At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi. At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli, At ang nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades." (APOCALIPSIS 1:13-18).

Oo nga, mga kapatid, gayon na lamang ang kaluwalhatian ng anyo ni Cristo, na larawan ng Dios, na malibang tayo'y nasa sa espiritu at kasingpalad ni Juan, walang taong makatatayong makita ang ganitong kaluwalhatian at mabubuhay; sapagka't maging si Juan man, na nasa sa espiritu sa oras na yaon, ay nasubasob sa kaniyang paanan gaya ng patay.

Kaya't ibinigay ng Dios ang kautusan, na nagsasabi, "Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas ng langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglilingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; at pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos." (EXODO 20:4-6).

At yamang si Cristo nga ang hiwaga ng Dios, at ang kapangyarihan at karunungan ng Dios, walang sinoman na makakakilala o makakaunawa sa kaniya, maliban ngang sila'y mga tinawag ng Dios. Sapagka't nang kaniyang sabihing ang sinomang nakakilala sa kaniya at nakakita sa kaniya, ay kaniyang tinutukoy ito'y sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi paningin, sa espiritu at hindi sa laman.

Susunod:





lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Oct 20 2007, 7:47 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon


view changes

- complete history)
Keyword tags: ebanghelyo Gospel jesucristo
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)