Ebanghelyo, Part 1, Dakilang LayuninThis is a featured page

ANG DAKILANG LAYUNIN NG PAGPARITO N1 GRISTO SA SANGLIBUTAN

Bakit naparito sa lupa ang Anak ng Dios na si Jesucristo?

Bagaman atin na itong natalakay ng maikli sa unang bahagi ng aking kalatas, ay hayaan ninyong akin pa ring paliwanagin ang mahalagang paksang ito yamang dito naman nakasalalay ang mas malalim na saligan ng ating pananampalataya sa Dios at kay Cristo Jesus.

Sa kabuuan, naparito nga sa lupa ang Cristo o Mesias upang GANAPIN ANG KALOOBAN NG DIOS. Gaya ng nasusulat, "Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig, Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod. Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban." (HEBREO 10: 5-7). Kaya nga, si Cristo ay naparito hindi upang ganapin ang kaniyang sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa kaniya (Ang Dios Ama). Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. (ROMA 10:10).

At ito nga, gaya ng atin nang dinaanan, ay isang kaloob na walang bayad mula sa Dios, isang dakilang biyaya na dumating sa pamamagitan ni Cristo para sa kanila na magsisisampalataya sa kaniya.

Nguni't muli, ANO nga ang dapat pa nating sampalatayanan kay Cristo Jesus upang makamtan ang biyayang ito? Ang sampalatayanan ang lahat ng mga Salita ng Dios na lumabas sa bibig ni Cristo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios, na salitain ng kaniyang Cristo ang lahat ng kaniyang salita para sa kaniyang bayan. Gaya ng sinalita ng Dios nang una pa kay Moises, na nagsasabi, " Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. At mangyayari, na sinomang hindi makinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking Pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya." (DEUTERONOMIO 18:18-19).

Kaya nga, nang panahong ukol na, nang pasimulan ni Jesucristo ang kaniyang pangangaral ay kaniyang sinabi, "Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin. . . At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita. ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw. Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain. At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita." (JUAN 12: 44-50).

Muli ay nagsabi si Jesus, "Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan." (JUAN7: 16-18).

Ngayon nga'y malinaw na nating namamalas na ang Anak ng Dios, si Cristo na naparito sa laman, ay hindi ipinangaral ang kaniyang sarili kundi ang Dios, at ang mga Salita na lumabas sa kaniyang bibig ay mismong Salita ng Dios, na kung saa'y dapat tayong sumampalataya. Sapagka't maliban sa kaniyang pagkatalaga na maging Cordero ng Dios na siyang mag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan, si Cristo Jesus din, sa gayon ding maluwalhating kalooban ng Dios, ay sinugo upang sumaksi at magpatotoo sa KATOTOHANAN.

Gaya nga ng sinambit ni Jesus sa harapan ni Pilato, nang siya'y tanungin kung siya nga ba'y hari, na kaniya namang sinagot, na nagsasabi, "Ikaw ang nagsasabing ako ay hari, Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upang BIGYANG PATOTOO ANG KATOTOHANAN. Ang bawa't isang ayon sa Katotohanan ay nakikinig sa aking tinig." (JUAN 18:37). At sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, " Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung gayo'y tunay nga kayong mga alagad ko; At inyong makikilala ang Katotohanan, at ang Katotohana'y magpapalaya sa inyo." (JUAN 8: 31-32).

Kaya nga't si Cristo, sa katauhan ng taong si Jesus, ay naparito upang sumaksi at magpatotoo sa Katotohanan, na kung ating sampalatayanan ang Katotohanang ito, tayo nga ay mapagiging laya. Magiging Malaya sa Pagkaalipin sa Kasalanan at Kasinungalingan na sumasalansang sa Katotohanan. At sa ganito rin namang himig, ang Aklat ng mga Pahayag ay sumulat tungkol sa kaniya, na nagsasabi, "At mula kay Jesucristo na siyang Saksing Tapat, na Panganay sa mga patay, at Pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo; at ginawa tayong kaharian, mga saserdote, sa kaniyang Dios atAma; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa." (APOCALIPSIS 1: 5-6).

At gayon din si Juan, na minamahal na alagad, na siya'y napasa pulo na tinatawag na Patmos dahil sa Salita ng Dios, at dahil sa Patotoo ni Jesus. (APOCALIPSIS 1:9). At nang si Juan ay nagnanais sanang sumamba sa anghel na nagpakita sa kaniya ng mga dakilang bagay na darating, ay sinaway siya ng anghel na nagsasabi, "Ingatan mong gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios sapagka't ang Patotoo ni Jesus ay siyang Espiritu ng Hula." (APOCALIPSIS 19:10). Tunay nga, mga kapatid, na kinakailangan at may malaking pakinabang para sa mga mananampalataya na maalaman at matanggap ang Patotoo ng Panginoong Jesus tungkol sa Katotohanan. Subali't nakalulungkot wariin na kakaunti lamang ang tunay na nakaunawa at tumanggap sa Patotoo ni Jesus, o sa Katotohanan na dumating sa pamamagitan ni Jesucristo. At BAKIT? Sapagka't ang Katotohanan ay natatago na gaya ng isang banal na LIHIM o HIWAGA ng Kaharian ng Langit na ipinagkakaloob lamang sa kanila, na mga Hinirang at Tinawag ng Dios na taglay ang tunay na pananampalataya kay Cristo Jesus.


Susunod




lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Oct 20 2007, 4:49 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon


view changes

- complete history)
Keyword tags: ebanghelyo Gospel jesucristo
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)