Thread started: Nov 20 2009, 1:14 AM EST
Watch
Ang aral na Trinidad ay nagtuturo na ang Diyos ay may tatlong persona , ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, na sila raw ay magkakapareho sa isa’t isa—parehong mga Diyos.
Ito ba ay ayon sa Biblia? Na ang Diyos ay may tatlong Persona na Diyos din?
Ang unang tanong ay makikita ba sa Biblia ang terminong “Trinidad” o “Trinity?”
“The term ‘Trinity’ is not found in the Scripture” (Systematic Theology, p. 304).
Kung ang terminong Trinidad ay wala sa Biblia, paano pa kaya ang aral o ang essence nito?
Kapantay ba ng Ama ang Anak? Basahin natin sa Biblia:
“Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paparito ako sa inyo. Kung ako’y inyong iniibig, kayo’y mangagagalak, dahil sa ako’y pasasa Ama: sapagka’t ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.” (Juan 14:28)
out of
found this valuable.
Do you find this valuable?