Ebanghelyo, Part 1, Larawan at wangis ng DiosThis is a featured page

ANG LARAWAN AT WANGIS NG DIOS NA IBINIGAY SA TAO:
ANG AKO NGA NG DIOS; ANG HIWAGA N1 GRISTO :


Gaya ng nasusulat sa GENESIS 1:36, Ang Tao ay nilalang sa larawan at wangis ng Dios. Nguni't ano nga ba ang larawan ng Dios? Ito baga'y ang tao na nakikita natin sa pisikal o sa laman o sa lupang katawan? Huwag nawang mangyari! Sapagka't dahil nga sa di pagkaalam o pagkaunawa sa tunay na larawan ng Dios, ang mga tao nga ay napahikayat na gumawa para sa kanila ng mga larawang inanyuan na kahawig ng tao at ng mga hayop o iba pang mga nilalang, na ginawa ng kamay ng tao upang sambahin o magbigay pugay sa kanila, na sa maling pagaakala ay mga larawan ito ng PagkaDios.


At natutupad sa kanila ang nasusulat, "Ang nangagmamarunong ay naging mga mangmang. At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang... Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y'nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man.Siya nawa." (ROMA 1:21-25).


Ngayon nga, sa lahat ng mga ito, ay atin ngang suriin at unawain ang bagay na ito ng may boong karunungan: Ano ba ang Dios? Hindi baga ang Dios ay Espiritu? At ano ang larawan ng Espiritu? Ito ba ay ang materyal o pisikal o laman o makalupang bagay? At ano naman ang larawan ng hindi nakikita? Yaon bang nakikita? At ano ang larawan ng hindi nasisira at ng walang hanggan? Yaon bang may pagkasira at pansamantala lamang? Hindi, mga mahal na kapatid! Sapagka't ang katotohanan ay ang larawan ng Dios ay yaon ding kauri niya, yaong sa espiritu, di nakikita at walang hanggan. K-aya't narito ang karunungan: Ang larawan ng Dios ay yaong bahagi ng kaniyang Espiritu, ng kaniyang Sarili, na nagbibigay ng hininga, isipan, unawa, at puso o budhi, damdamin at mga pandamdam, na siya namang kabuuan ng buhay o ilaw na nasa loob ng tao. Samantalang ang wangis naman ng Dios ang anyo ng kaniyang hugis, ang katawan na sisidlan ng espiritu, samakatwid baga'y ang tinatawag na Kaluluwa.



ANG PAGLALANG SA TAO: ANG DAKILANG HIWAGA NG BUHAY SA TAO:



Gaya ng nasusulat sa aklat ng Genesis, "At nilalang ng Dios ang tao sa alabok na lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng Hininga ng Buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay." (GENESIS 2:7). Mga minamahal kong kapatid, ang partikular na sitas na ito ay tila maikli lamang basahin, nguni't sa katunayan ay naglalaman ng malawak na kaalaman at kamnungan tungkol sa natatagong katotohanan buhat ng pasimula. Sapagka't dito'y nahahayag ang kabuuan ng ating mga bahagi at boong pagka nilalang.


Unang bahagi: AngAlabok ng Lupa - ang Katawang Laman: Ang makalupang bahagi ng tao ay ang kaniyang katawang laman, ang pisikal o panlabas na bahagi, na kung saan, kapag namatay na ang tao, ay inililibing sa lupa kung saan siya kinuha, at sa huli 'y bumabalik sa alabok. Ang panlabas na bahagi ng tao, ang makalaman o pisikal na katawan, dahil galing sa lupa ay walang buhay sa kaniyang sarili; sapagka't ang lupa ay walang buhay sa kaniyang sarili, kaya't ang mga halaman at punong kahoy ay hindi tutubo at lalago malibang magbigay ang Dios ng ulan sa lupa at init ng araw, at kung walang taong magsasaka ng lupa. (GENESIS 2:5)


At yamang ang tao ay kinuha sa lupa, ito'y babalik sa lupa, gaya ng sinalita ng Dios kay Adam, na nagsasabi, "Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa bumalik ka sa lupa, sapagka't diyan ka kinuha; sapagka't ikaw ay alabok, at sa alabok ka babalik". (GENESIS 3:19).


Subalit' dahil sa Kasalanan kaya dumating ang hatol ng Dios sa ikapapahamak ng tao. Nang anyuan nga ng Dios ang tao, samakatwid baga'y ang kaniyang lupang katawan, ay wala pa itong buhay sa kaniyang sarili kaya't sa pagkakataong ito ay maihahalintulad siya sa isang putik na hinurnuhan o larawang inanyuan o diosdiosan na walang hininga o walang buhay sa kanilang kalooban. Hindi nga ito ang larawan ng pagka Dios na ating namang naalaman sa salita ng Evangelio. Gayunpama'y dinibuho at inanyuan ng Dios ang pisikal o katawang laman ng tao para sa malaking kaluwalhatian, yamang ito'y nilikha upang maging lupang sisidlan o lalagyan o bahay ng espiritu ng Dios, na papasok sa kaniya na magbibigay buhay, na siya namang larawan ng Dios na Buhay.


Ikalawang Bahagi:
Ang Kaluluwa o Katawang Panlangit:

Kung paanong ang laman ang siyang lupang katawan, ang kaluluwa naman ang siyang ispiritual o panlangit na katawan, na siya ring nagbibigay anyo o hugis ng espiritu ng buhay na nasa loob natin. At kung paanong ang katawang laman ay siyang makalupang sisidlan o bahay ng espiritu, ang kaluluwa naman ang siyang makalangit ng sisidlan o bahay ng espiritu o buhay o boong diwa ng nilalang na buhay.

Kapuwa ang katawang lupa at ang katawang ispiritual o kaluluwa ay magkahawig na anyo, yamang ang katawang lupa o laman ay hinugisan ayon sa anyo ng panlangit na katawan, na nagkakaiba lamang ayon sa uri ng kaluwalhatian na ibinigay sa bawa't isa. Kaya naman si apostol Pablo ay sumulat tungkol dito, na sinasabi, "Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.-.Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman...At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit. Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang ]aman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan." (1 CORINTO 15:40,44,49,50).

Ngayon nga, ay nakatitiyak na tayo na mayroong dalawang katawan ang tao. Ang isa ay ang katawang laman (na bumabalik sa alabok gaya ng una), at ang ikalawa'y ang ispiritual o makalangit na katawan, ang kaluluwa (na magdadala sa atin sa buhay pagkatapos ng buhay sa sanglibutang ito). Sa ganito rin namang dahilan, itinakda ang dalawang uri ng pamumuhay ng bawa't katawang ito, isang ayon sa laman o sanglibutan, at ang isa nama'y ayon sa espiritu at kabanalan (bagaman ang dalawang katawang ito ay may iisa lamang espiritu o buhay na taglay).

At yamang may dalawang katawan at dalawang uri ng pamumuhay ay nagtakda rin naman ng partikular na kahatulan ng kamatayan para sa bawa't isa: ang unang kamatayan ay yaong ayon sa laman, na kung saan ang lupang katawan ay babalik sa alabok ng lupa kung saan siya kinuha (na ang ganitong uri ng kamatayan ay itinakda sa lahat ng tao dahil sa Kasalanan); at narito pa rin ang ikalawang kamatayan na hindi lahat ay nakatatalos.

Ano ba ang Ikalawang Kamatayan? Ito nga ang kamatayang inihanda para sa kaluluwa o panlangit na katawan ng tao na hindi nagtagumpay sa pananampalataya kay Jesucristo upang tubusin sa sanglibutan ng kasalanan. Nasusulat nga sa aklat ngApoealipsis na sa Araw ng Paghuhukom, ang Kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa Dagat-dagatang Apoy. Ito nga ang Ikalawang Kamatayan. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa Aklat ng Buhay ay ibinulid sa Dagat- dagatang Apoy. (APOCALIPSIS 20:14-15).

Kung gayon nga, ang unang kamatayan ay panlupa, ukol sa katawang nakikita, ang pisikal o laman; at sa kabilang panig naman, ang ikalawang kamatayan ay ispiritual, ukol sa katawang ayon sa espiritu, ang kaluluwa. Subali't anong pagkasaklap at kalunos-lunos ang ikalawa o panghuling kamatayan, sapagka't siyang katapusan ng katawang may pag-asa at kapalarang magmana ng buhay na walang hanggan, kung nagtagumpay lamang sa pamamagitan ng Pananampalataya.Kaya nga't sa ganitong dahilan ay nagsalita si Cristo, na nagsasabi, "At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapwa't hindi nangakapapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno." (MATEO 10:28).

Oo, mga minamahal na kapatid, tunay na huwag tayong matakot sa ating kapuwa tao na nakapapatay ng katawang laman nguni't pagkatapos niyao'y hindi naman makasasakit ng kaluluwa; bagkus ang ating tunay na katakutan ay ang Dios na may kapangyarihan sa buhay at kamatayan ng kapuwa katawang panlupa at katawang ispiritual. Datapwa't tungkol sa atin, mga kapatid, ay atin laging alalahanin na ang layunin o hangarin ng ating Pananampalataya sa Dios kay Cristo ay upang iligtas, hindi ang pisikal na katawan o laman, kundi ang ating mga kaluluwa. Gaya ng sinulat ni apostol Pedro, na nagsasabi, "Na ating tinatanggap ang layunin ng ating Pananampalataya, samakatwid baga'y ang pagkaligtas ng ating mga kaluluwa;' (1 PEDRO 1:9).

Ikatlong Bahagi:
Ang Espirtu, Ang Diwa, Ang Buhay:
Nang lalangin si Adam mula sa alabok ng lupa ay wala pa siyang buhay sa kaniyang sarili. Paano nga kaya siya naging isang buhay na nilalang? Balikan nga natin ang nasusulat sa GENESIS 2:7, na nagsasabi, "At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng Hininga ng Buhay"... Kung gayon nga, upang bigyan ng buhay ang katawan, ay huminga ang Dios sa mga butas ng ilong ng tao (Adam) ng Hininga ng Buhay!
Narito nga ang karunungan: Sino ang huminga? Kaninong Hininga? Ang Dios ang huminga; at ito'y Hininga ng Dios. Saan ito inihinga? Sa mga butas ng Ilong ng Tao. Datapwa't ano ang Dios? Hindi baga ang Dios ay Espiritu, makapangyarihan at infinitong Espiritu?
Kung ang Dios nga ay Espiritu, hindi baga lahat ng kaniyang bahagi ay espiritu rin? Ngayon, ang espiritu ng buhay ay galing sa Dios at kinuha sa kaniyang kalooban o sinapupunan; kaya't ang hininga na pumasok sa mga butas ng ilong ng tao, na nagbigay sa kaniya ng buhay ay siyang espiritu ng Dios na nasa tao. Ang ESPIRITU ay nagbibigay buhay, sapagka't ang ESPIRITU ay BUHAY mismo. Gaya ng sinabi ni Propeta Job, "Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong. Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang Hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay." (JOB 27:3/33:4).
Kung gayon nga, ang hininga na nasa mga butas ng ating ilong ay siyang espiritu ng Dios na nasa tao, na bumubuhay sa kaniya habang ito'y nananatili sa kaniyang katawan.At bakit ang espiritu ng Dios ay nagbibigay buhay? Sapagka't gaya nalalaman na natin, na ang Dios maliban sa siya ay Espiritu, siya rin ay Buhay mismo. Sapagka't atin ngang munimunihin ito, mga kapatid: Ang Dios na lumalang kay Adam libo-libong henerasyon nang nakaraan, ay siya ring Dios na nakipagtipan kay Noe, pagkatapos kay Abraham, Isaae, Jacob, Josue, Moises, David, at nakipag-usap sa mga propeta na nagsisunod sa kanila, at hanggang sa kaniyang Cristo, ang Panginoong Jesus sa panahon ng Bagong Tipan.
Siya rin ang Dios Ama na pinanalanginan ni Jesus at ng kaniyang mga Apostol; at hanggang sa ating kasalukuyang panahon ngayon, siya pa rin ang Makapangyarihang Dios, at maliban sa kaniya ay wala ng iba pa. Ngayon, gaano nga kaya kahaba ang buhay ng Dios? Hindi baga siya ang Walang Hanggan Buhay?
Tulad ng nakita ni Juan sa Kaharian ng Langit nang siya'y pumasa espiritu, na mayroong mga nilalang na buhay na nakapalibot sa Luklukan ng Dios, at sila'y hindi nagpapahinga araw at gabi, na nangagsasabi ng, Banal, Banal, Banal ang Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay, at nabubuhay, at siyang darating.
At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, Ang dalawangpu't apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi, "Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha." (APOGALIPSIS 4:8-11).
At yamang ang Dios nga ang siyang Buhay na Walang Hanggan, ang Dakilang Buhay, at Buhay mismo, Nang hiningahan nga niya ang tao ng bahagi ng kaniyang Sarili, ang tao nga ay nagkaroon din ng buhay sa kaniyang sarili. Kaya nga sinabi ng Panginoong Jesus ang ganito, "Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya ang lahat. (LUKAS 20:38).
Muli pa ay sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili.(JUAN 5:26). Ito nga ang pinatotohanan ng Panginoong Jesus sa lahat ng mga tao, na ang espiritu o buhay na nasa tao ang siyang binhi o anak, na nag-uugnay sa tao sa kaniyang Pmagmulan ng buhay, ang Dios, na siyang Ama ng buhay. Gaya ng sinasabi ng Kasulatan, "At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon." (E2EKIEL 37:14).
At muli pa, ay sinabi ni Jesus, "Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay." (JUAN 6:63). Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay." (SANTIAGO 2:26). Ang KATOTOHANAN nga, kung gayon, mga kapatid, ay ang DIOS Mismo, ang INFINITONG ESPIRITU, ang BUHAY NA WALANG HANGGAN; at ang Katotohanan o ESPIRITU NG KATOTOHANAN ay ibinigay niya sa Tao Mula pa sa Pasimula nang lalangin niya ito ayon sa kaniyang sariling Larawan at Wangis sa pamamagitan ng kaniyang Hininga ng Buhay.


Sapagka't dahil sa kaniyang malaking pag-ibig sa Tao ay kaniyang itinadhana siya sa buhay na walang hanggan na kasama ang Dios. Gayunma'y ang buhay na walang hanggan ay hindi darating sa tao sa pamamagitan ng unang tao, na si Adam, ang tagalupa; kundi sa pamamagitan ng kaniyang Bugtong at Panganay naAnak sa Langit, si Cristo Jesus, na siyang pasimula ng kaniyang Paglalang, na ukol sa kaniya at para sa kaniya nilayon ang mga dakila at kamangha-manghang mga gawa niya mula sa Simula hanggang sa Wakas; Na siyang larawan ng Dios na hindi nakikita, ang Panganay ng bawa't nilalang, na siyang una sa lahat at ang lahat ng mga bagay ay ukol sa kaniya at sa pamamagitan niya. Sapagka't minagaling ng Ama na ang boong kapuspusan ay manahan sa kaniya. (GOLOSAS 1:13-19).


At ang espiritu ng Katotohanang ito o ang buhay na itinalaga ng Dios na kaniyang ibinigay sa tao mula pa nang pasimula ay siya namang Patotoo ng ating Panginoong Jesucristo nang siya'y pumarito sa sanglibutan at nahayag sa laman bilang Anak ng tao para sa ating kapakanan at ikaluluwalhati. At yamang ang buhay na nasa tao ay banal at mahalaga, dahil isang hininga o espiritu na mula sa Dios, kaya naman tayo'y tinuruan at inutusan ng Panginoon na gumalang at umibig sa ating kapuwa tao, anuman ang kaniyang katayuan sa mundong ito - yamang tayo'y nilikhang pantay sa mata ng Dios.


At upang tunay nating pahalagahan ang buhay, ay ibinigay niya ang kautusan, Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili.(JUAN 5:26). Ito nga ang pinatotohanan ng Panginoong Jesus sa lahat ng mga tao, na ang espiritu o buhay na nasa tao ang siyang binhi o anak, na nag-uugnay sa tao sa kaniyang Pmagmulan ng buhay, ang Dios, na siyang Ama ng buhay.
Gaya ng sinasabi ng Kasulatan, "At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon." (E2EKIEL 37:14). At muli pa, ay sinabi ni Jesus, "Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay." (JUAN 6:63). Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay." (SANTIAGO 2:26).


Ang KATOTOHANAN nga, kung gayon, mga kapatid, ay ang DIOS Mismo, ang INFINITONG ESPIRITU, ang BUHAY NA WALANG HANGGAN; at ang Katotohanan o ESPIRITU NG KATOTOHANAN ay ibinigay niya sa Tao Mula pa sa Pasimula nang lalangin niya ito ayon sa kaniyang sariling Larawan at Wangis sa pamamagitan ng kaniyang Hininga ng Buhay.


Sapagka't dahil sa kaniyang malaking pag-ibig sa Tao ay kaniyang itinadhana siya sa buhay na walang hanggan na kasama ang Dios. Gayunma'y ang buhay na walang hanggan ay hindi darating sa tao sa pamamagitan ng unang tao, na si Adam, ang tagalupa; kundi sa pamamagitan ng kaniyang Bugtong at Panganay naAnak sa Langit, si Cristo Jesus, na siyang pasimula ng kaniyang Paglalang, na ukol sa kaniya at para sa kaniya nilayon ang mga dakila at kamangha-manghang mga gawa niya mula sa Simula hanggang sa Wakas; Na siyang larawan ng Dios na hindi nakikita, ang Panganay ng bawa't nilalang, na siyang una sa lahat at ang lahat ng mga bagay ay ukol sa kaniya at sa pamamagitan niya. Sapagka't minagaling ng Ama na ang boong kapuspusan ay manahan sa kaniya. (GOLOSAS 1:13-19).


At ang espiritu ng Katotohanang ito o ang buhay na itinalaga ng Dios na kaniyang ibinigay sa tao mula pa nang pasimula ay siya namang Patotoo ng ating Panginoong Jesucristo nang siya'y pumarito sa sanglibutan at nahayag sa laman bilang Anak ng tao para sa ating kapakanan at ikaluluwalhati.


At yamang ang buhay na nasa tao ay banal at mahalaga, dahil isang hininga o espiritu na mula sa Dios, kaya naman tayo'y tinuruan at inutusan ng Panginoon na gumalang at umibig sa ating kapuwa tao, anuman ang kaniyang katayuan sa mundong ito - yamang tayo'y nilikhang pantay sa mata ng Dios. At upang tunay nating pahalagahan ang buhay, ay ibinigay niya ang kautusan, Huwag kang papatay, sapagka't ang ating buhay ay hindi atin kundi kaniya; at wala tayong kapangyarihan o karapatan sa buhay, yamang ito'y pinahiram lamang sa atin ng Ama ng buhay.


Gaya ng nasusulat, "sapagka't ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili. Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon. Sapagka't dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na mag-uli, upang siya'y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay." (ROMA 14:7-9).


Sapagka't ang Dios ay banal, ang espiritu ng ibinigay niya sa Unang tao ay banal; at sapagka't siya ay Kapangyarihan at Karunungan, yaong espiritu na ibinigay niya sa tao ay nagbigay din dito na kapangyarihan at karunungan upang pamunuan at pamahalaan ang boong lupa. Datapwa't sa kasawiang palad, ang unang taong si Adam sa pamamagitan ng babaeng si Eva ay nagkasala sa pagsuway ng utos ng Dios, na napaniwala sa lalang at daya ng diablo; at gayundin naman ang kanilang mga anak na nagsisunod sa kanila ay nangagsigawa rin ng mga kalikuan at katampalasanan sa mata ng Panginoon.


Dahil dito, ang buhay na walang hanggan sa laman ay inalis ng Dios sa tao, gaya ng nasusulat, "At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw." (GENESIS 6:3).


Sapagka't ang tao nga'y nagkasala at gumawa ng kasamaan, ay pinagtibay nga ng Dios na ang laman, ang katawang lupa, ay mahina at madaling matukso; kaya't kaniya namang ipinasiya, gaya ng kaniya nang pinanukala ng una, na bigyang hangganan o paikliin ang panahon ng pagtira ng kaniyang espiritu sa tao, upang ang kalinisan at kabanalan nito ay hindi na madungisan pa ng matagal. At dahil nga sa paglaganap ng kasamaan ng tao sa lupa ay pinaikli niya ang mga araw ng buhay ng tao. Sapagka't nang mga unang panahon, nang bata pa ang mundo at ang puso ng mga tao ay hindi pa puno ng kasamaan, ang haba ng buhay ng ating mga ninuno ay makapupong ilang daan higit kaysa ngayon; gaya ng nasusulat, At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon: at siya'y namatay...At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay." (GENESIS 5:5,27).


Wariin natin, kung gayon, na ang pinakamatandang taong nabuhay, si Matusalem, ay umabot sa idad na 969 taon, subali't ngayon ang pinakamatagal na aabutin lamang ay 120 taon, upang ang salita ng Dios ay maganap. At yamang pinaikli ng Dios ang panahon ng pagtira ng kaniyang espiritu sa loob ng tao upang magkaroon ng hangganan ang kaniyang buhay sa sanglibutan, ang tao nga sa katawang laman na ito ay hindi makapagmamana ng buhay na walang hanggan. At dahil sa kasalanan, mula pa sa unang tao, ay itinakda ng Dios sa tao na mamatay na minsan, pagkatapos niyaon ay ang paghuhukom. (HEBREO 9:27).


Kung gayon nga, na itinalaga na sa mga tao ang mamatay na minsan (sapagka't si Cristo man ay kinailangang mamatay na minsan sa laman dahil sa Kasalanan), ano pa ba ang natitira sa tao upang hatulan kung siya nga'y bumalik na sa alabok pagkatapos mamatay?

Susunod:




lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Oct 20 2007, 8:08 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon


view changes

- complete history)
Keyword tags: ebanghelyo Gospel jesucristo
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)