NASULAT SA PAMAMAGITAN NG INSPIRASYON,
GABAY AT PAHAYAG NG ESPIRITU SANTO.
NG ABANG LINGKOD NG ATING
PANGINOONG JESUCRISTO
ADONIS B. DONATO - PILIPINAS –
ANG EVANGELIO NI JESUCRISTO
Part 1
Mga minamahal na kapatid, ang ating Panginoong Jesucristo ay nagpahayag ng Evangelio o Mabuting Balita ng Kaharian ng Langit na nagsasabi, "Gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios" (JUAN 3:16-17).
Oo, sa katotohanan ay ito nga ang isa sa pinakamaganda, kung hindi man ang siyang pinakamaganda. at pinakamaluwalhating sitas o talata sa Banal na Biblia na kinalulugdang bigkasin ng maraming kristiano, na ang iba pa nga'y ginagawang pinakapaksa ng kanilang pangangaral. Datapwa't nakalulungkot nga lang sabihin, mga kapatid, na itong Mabuting Balita na ipinahayag ng ating Panginoon ay hindi nabigyan ng sakdal at sapat na paliwanag na nararapat upang sa huli'y gumanap sa ikagagaling ng mga tunay na nangagsisisampalataya.
Kaya't ngayon nga'y ang Espiritu ng Panginoon ay kinilos ako, na kaniyang abang lingkod at inyong kapatid kay Gristo, upang sumulat ng isang higit na masusi at malawak na paliwanag tungkol dito sa marilag na pahayag ni Jesucristo ukol sa Pag-ibig ng Dios para sa sangkatauhan. Narito, akin ngang gaganapin sa gabay ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagbabaybay ng buong sitas o talata na binibigyang halaga at kahulugan ang bawa't bahagi...
"Gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanglibutan, na kaniyang ibinigay ang kaniyang bugtong na Anak" ....
Mga kapatid, Bakit kaya gayon na lamang kalaki ang pag-ibig o pagsinta ng Dios sa sanglibutan? Hindi man lamang ba natin ito pinagtatakhan o pinagmumuni-muni ? At sino ang Sanglibutan? Ito ba ang daigdig o ' planeta na ating tinatahanan at ginagalawan? 0 hindi baga ito ang Sangkatauhan mismo, na siyang bayan o bansa at sanglibutan ng Dios sa kaniyang Espiritu?
Oo, sa katotohanan, mga minamahal na kapatid, tayo nga, ang Tao ang siyang itinuturing ng Dios na kaniyang sinisintang sanglibutan. Nguni't ano ang Tao upang siya'y mahalin at alalahanin ng Dios nang ganoong kalaki, na sukdulang ibigay ang kaniyang bugtong na Anak upang mamatay para sa atin? Kung ang kaniyang Panganay na Anak na si Gristo Jesus ang siyang pinakasisintang Anak na kinaluluguran sa lahat (gaya nang kaniyang pagpapatotoo sa maraming bahagi ng Kasulatan), ay sabihin ninyo naman sa akin ano sa palagay ninyo, gaano kamahal din naman kaya tayong mga Tao sa Dios - na tiniis niya ang malagim na pag-iisip na ang kaniyang pinakamamahal na Anak ay mabugbog, mapako at mamatay sa krus?
Kung gayon, hindi kaya na tayo nga'y kasingmahal din ng pagmamahal niya sa kaniyang bugtong na Anak na si Jesus? Oo, siya ngang totoo'. Kung gayon ano nga ang tao na handang ialay ng Ama ang sinisintang Anak na si Jesucristo para sa ating katubusan at kaligtasan, na magbubo ng dugo o ibigay ang kaniyang buhay dahil sa atin? At bakit pa rin sa palagay ninyo na naparito si Gristo sa anyo ng tao ayon sa laman, tulad mo at ako, at hindi tulad sa anyo ng mga anghel?
Naitanong na ba natin sa ating sarili kailanman, Sino ako? 0 Ano ba ako? Na ang aking Dios o ang Lumikha sa akin ay nagpahayag ng dakilang pag-ibig sa akin samakatwid baga'y sa pamamamagitan ng pag-aalay ng buhay ng kaniyang anak para sa akin ng walang pag-aatubili o pagdadalawang isip.
Gaya nang sinasabi ng Kasulatan, "Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasalanan, ang parusa tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo... Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam; pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay" (ISAIAS 53:5,10).
Subali't bakit kinakailangang mamatay siya sa katayuan ko? Ano nga ba ako, na isang tao lamang, na ang kaniyang iisang bugtong na Anak ay ibigay para sa akin? Mangyayari kaya na mayroong isang ugnayan o relasyon sa pagitan ng aking Dios at ako, na lubos na lingid sa aking kaalaman? Ang relasyon kayang ito'y higit kaysa yaong relasyon ng isang Lumalang sa nilalang lamang? Hindi kaya ang pagkahayag ng kaniyang dakilang pag-ibig sa tao, sa pagbibigay ng kaniyang pinakamamahal na Anak upang mamatay para sa tao, ay maliwanag na nagpapahiwatig sa ating mga puso at isipan na mayroon din ganitong kalapit na ugnayan o relasyon, gaya ng sa namamagitan sa isang ama at anak, ay nananalaytay kahit man lang sa puso ng Dios para sa atin?
Sapagka't hanggang sa ating matagpuan ang mga natatagong kasagutan sa mga personal at mapanghamon na katanungan at ang pagkaunawa tungkol sa katotohanan ng relasyon ng tao sa kaniyang Dios o Manlilikha, ay hindi natin lubos na mapapag-uunawa o mapapaniwalaan ng buong puso ang pag-ibig ng Dios sa sanglibutan kay Cristo.
Nguni't hayaan ninyong talakayin ko ito sa bandang huli, mga kapatid, yamang ang banal na bagay na ito ang may malaking bahagi sa Patotoo ng Panginoong Jesucristo sa Katotohanan ng Dios. Samantala ay magpatuloy tayo sa nasabing sitas ng Evangelio ... "Upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak": Kunggayon nga iniatas ng Dios na tayo'y kinakailangang sumampalataya sa kaniyang Anak upang tayo'y mabuhay at huwag mapahamak.
Subali't ano ang dapat nating sampalatayanan kay Jesucristo upang tayo'y mabuhay? Yaon lamang bagang tungkol sa kaniyang dakilang katauhan o katayuan - na siya ang Anak ng Dios, ang Pinahiran ng Langis, ang Manunubos, ang Cristo ? Sapat na ba na ating tanggapin at tawagin siya na ating Panginoon ay makakabahagi na tayo kapagdaka sa biyaya ng kaligtasan at katubusan gaya ng inaari at itinuturo ng maraming mangangaral na kristiano?
Datapwa't ano ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa bagay na ito? Di baga sinabi niya, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin. Panginoon, Panginoon, ay papasok sa Kaharian ng Langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa Langit" (MATEO 7:21).
Kung gayon, siya lamang na gumaganap ng kalooban ng Dios ang tunay na makapapasok sa Kaharian ng Langit. Subali't ano nga baga ang Kalooban ng Ama sa Langit upang ating pagsikapang ganapin? Hindi baga ang kalooban niya ay para sa bawa't isa na sampalatayanan ang kaniyang Anak na si Jesucristo, samakatwid baga'y ang kaniyang Patotoo o Pagsaksi sa Katotohanan ng Dios, na dinggin at tuparin ang mga Utos na ibinigay ng Ama sa pamamagitan niya?
Muli ay ipahintulot ninyo, mga kapatid, na aking talakayin ang mga mahalagang bagay na ito sa kalagitnaan ng aking sulatin para sa mabuting kaayusan at kaunawaan. Samantala ay balikan natin at lubusin ang kapaliwanagan ng sitas: "Upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak"... At bakit nga tayo mapapahamak kung ating piliing huwag maniwala sa kaniya? Bakit? "Dahil hinatulan na ng Dios ang lahat ng mga tao ay nangagkasala at hindi umabot sa kaluwalhatian ng Dios" (ROMA 3:23).
At ang Kabayaran ng kasalanan ay Kamatayan; sapagka't nang utusan ng Dios ang unang taong si Adam, na pinagmulan nating lahat, na huwag kanin ang bunga ng Punong Kahoy ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama, ay madiin niyang sinabi na ... "sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka" (GENESIS 2:16-17).
Kaya nga't nang di nakinig si Adam sa tinig ng Panginoon, bagkus dininig ang panghihikayat ng kaniyang asawa, si Eva, na nadaya naman ng Ahas o Diablo, ang Unang Kasalanan- ang Pagsuway at Di Pananampalataya ay pumasok sa Sanglibutan o Tao, at kaalinsunod ang Kabayaran ng Kasalanang ito- ang Kamatayan (kapuwa ng Katawang laman at Kaluluwa) (ROMA 6:23).
Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala (ROMA 5:12). At ang Apostol Pablo ay nagpatuloy pa ngang nagsabi, "Ano nga, tayo baga'y lalong mabuti kaysa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagkat ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;" Gaya ng nasusulat, "Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas, walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa;" (ROMA 3:9-18).
At muli, "Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan kung may sinomang nakakaunawa na humanap sa Dios. Bawa't isa sa kanila ay tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay; Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa" (AWIT 53:2-3).
Kung gayon nga, mga mahal na kapatid, tayong lahat ay nasasakdal na sa Kamatayan dahil sa Kasalanan at Kalikuan, at nakaumang na sa Walang Hanggang Kaparusahan. Ito ang Masama at Malungkot na Balita. Subali't sa Panahong Ukol ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak na si Jesucristo sa sanglibutan na dala ang Mabuting Balita, na nagsasabi... "Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya." (JUAN 3:17).
Datapwa't paano ang kaganapan ng ganitong Kaligtasan? Paano? Sa pamamagitan ng Makapangyarihang paggawa at Dakilang Kalooban ng Dios. Sapagka't dahil sa Dakilang Pag-ibig at Awa ng Dios sa buong Sangkatauhan ay ibinigay niya ang kaniyang Bugtong na Anak, ang kaniyang Cristo, upang dumanas ng kamatayan para sa atin, na tanggapin ang Parusa at Kabayaran ng lahat ng mga kasalanan at kalikuan.
Sa kaniyang sariling Kalooban, isinugo niya ang kaniyang pinakamamahal na Anak upang maging Kordero ng Dios, malinis at walang bahid dungis, na ginawang isang Banal na Handog o Alay para sa Katubusan at Paglilinis ng mga kasalanan ng sanglibutan. Siya ay namatay sa Katayuan natin, ang Walang Sala para sa mga Makasalanan, upang ito'y maging isang Kalugod-lugod na Hain o Handog, upang tayo'y malinis sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Mahalagang Dugo ni Cristo. Gaya ng nasusulat. "At ayon sa Kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nalilinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran." (HEBREO 9:22).
"Kaya't ang Una mang Tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo. Sapagka't nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa Kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing, na may tubig at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang boong bayan, na sinasabi, ito ang dugo ng tipan ng iniutos ng Dios tungkol sa inyo" (HEBRREO 9:18-20). "Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman; Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?
At dahil dito'y siya ang Tagapamagitan ng isang Bagong Tipan, upang sa pamamagitan ng isang Kamatayan na ukol sa Ikatutubos ng mga Pagsalangsang na nasa ilalim ng Unang Tipan, ang mga Tinawag ay magsitanggap ng Pangako na Manang Walang Hanggan."" (HEBREO 9: 13-15). Datapwa't may ilan na nagsisipagsabi, Kung gayon sa pamamagitan lang ba ng kaniyang pagkamatay tayo'y lubos na naligtas? 0 hindi naman gayon, kundi Una sa kaniyang pagkamatay at kaalinsunod (at higit na maluwalhating sabihin) ay sa kaniyang Pagkabuhay na mag-uli sa mga patay. Gaya naman nang sinulat ni Pablo, ayon sa karunungang bigay sa kaniya ng Dios,na nagsabi, "Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios." (ROMA 6:10).
"At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral,wala rin namang kabuluhanang myong pananampalataya. Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay. Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo: At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan, kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa.
Kung gayon nga, ang -mga nangatutulog din naman kay Kristo ay pawang nangapahamak. Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag. Datapwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging Pangunahing Bunga ng nangatutulog. Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na mag-uli sa mga patay. Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin." (1CORINTO 15:14-22). "0 hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Tayo nga'y nangalibing nakalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na mag-uli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na mag-uli; Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Gristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya; Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na mag-uli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya (ROMA 6: 3-9).
Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pag-ibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Gristo (sa pamamagitan ng Biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus: Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus: Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran." (EFESO 2: 4-10).
Kaya nga, mga kapatid, nararapat lang nating pasalamatan ng walang hanggan ang Dios sa kaniyang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob sa pagbibigay niya sa atin ng kamangha-manghang kaloob na kaligtasan kay Cristo Jesus. Gayunma'y huwag madaya ang sinoman na kaniyang akalain na sapagka't si Cristo'y namatay para sa lahat, kung gayon nga ang lahat ay ligtas na. Hindi, sa anomang paraan! Sapagka't nang ipahayag ng Dios ang dakilang biyaya ng kaligtasang ito ay kalakip din niyang ibinigay ang Kinakailangang Gawin upang ang sinoman ay magkaroon ng karapatang makibahagi sa biyayang ito. At ano ang pangangailangang ito? 0 ano ang nararapat nating gawin upang tanggapin ang kamangha-manghang biyayang ito? At nagpatuloy ang mabuting balita ...."Upang ang sinomang sa kaniya ay sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng walang hanggang buhay"... Oo nga, mga kapatid, tunay na hayag at maliwanag (at walang pag-aalinlangan) na ninanais, alalaon baga'y inaatas niya sa ating lahat na sumampalataya sa kaniyang Anak na isinugo niya upang tayo'y mapaging-tapat na makibahagi sa pagpapala ng biyayang ito ng kaligtasan. Sapagka't sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesucristo na ang isang tao'y aariing-ganap at pinabanal sa Dios. Nguni't NGAYON nga, ay dumarating ang pinakamapanuring TANONG sa ating lahat (na siya namang nagbibigay bukod-tangi sa mga nagsisipaniwala kay Cristo).
PAANO tayo sumampalataya kay Jesucristo? ANO ang ating sinampalatayanan kay Jesucristo? PAANO nating maitataguyod ang ating pananamapalataya kay Jesucristo? At sa huli, PAANO natin nakamtam o makakamtan ang Pananampalataya na kay Jesucristo? Sapagka't hanggang sa tayo'y magkasiya at maipanatag ang ating puso tungkol sa mga tunay na kasagutan sa mabibigat na katanungang ito ng Pananampalataya, ay doon pa lamang tayo magkakaroon ng totoong pananalig at kapanatagang magsabing.. " ako nga'y ligtas na ".Datapwa't ngayon nga'y bumalik tayo sa katanungang, Ano nga ang ating sinampalatayanan kay Jesucristo? Karamihan sa atin, mga kapatid, ay kapagdakang sasagot na ating sinampalatayanan na si Jesucristo ay Anak ng Dios, di baga? Oo, ito nga'y mabuti sapagka't siyang totoo. At ito nama'y siya ring pinakaunang batayan na dapat nating paniwalaan. Subali't ang pananampalataya kay Jesucristo ay hindi lamang nangangahulugan ng paniniwala tungkol sa kaniyang banal o makalangit na Persona, na tanggapin na siya nga ay Anak ng Dios; yamang ang kabanalan ng kaniyang persona ay itinanyag na ng mga Kasulatan at pinagtibay ng Ama mismo na sinaksihan ni Juan Bautista sa ilog ng Jordan, at ng mga apostol na sina Pedro, Santiago at Juan nang kasama nila siya sa banal na bundok at nagbagong anyo sa harapan nila; na kanilang narinig ang isang Tinig mula sa kaluwalhatian na nagsasabi, " Ito ang sinisintang kong Anak na siya kong lubos na kinalulugdan, inyong pakinggan siya." (MATEO 3:16-17/ MARCOS 1:9-II/ LUKAS 3:21-22/ JUAN 1:32-34/ MATEO 17:1-5).At gayundin naman, di ba ito'y nasasaad na rin sa magandang sitas na ating tinatalakay sa simula pa lamang ng aking kalatas na ito yaong, Isinugo ng Dios ang kaniyang Bugtong na Anak sa sanglibutan, na maliligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniya. ( JUAN 3:16-18). Kung gayon nga, ay itinalaga sa pasimula pa lamang at ipinahayag ng Dios mismo sa pamamagitan ng mga propeta nang una at sa huli'y ipinagtibay niya sa kaniyang mga lingkod (kina Juan Bautista at sa tatlong apostol) na ang tao ngang si Jesus ay siyang kaniyang Mesias o Cristo at Anak ng Dios. Ang ibig ko sanang tukuyin sa mga bagay na ito, mga kapatid, na ang kaganapan o katibayan ng ating Pananampalataya ay hindi nagwawakas sa paniniwala lamang sa Persona ni .lesueristo; yamang bawa't kristianong nagbabasa ng Biblia o maging ang nangagsisipakinig lamang ay naalaman na at pinaniwalaan ang hayag at pasimulaing katotohanang ito.Mayroon pa ngang higit, at higit, sa nais pakahulugan ng Dios nang iutos niyang dapat tayong sumampalataya sa kaniyang Anak upang ganap nating matanggap ang biyayang kaligtasan. Kaya't ngayon nga, sa udyok at gabay ng Diwang Banal ay ipahintulot ninyong maibahagi ko sa inyo ang lalong malalim at dakilang bahagi ng ating Pananampalataya kay Jesucristo. Na una sa lahat, matapos nating malaman at paniwalaan sa ating puso na si Jesus ang siyang Cristo, ang Anak ng Dios, ay marapat din nating maalaman ang Banal na LAYUNIN ng kaniyang Pagparito sa sanglibutan, ang Dakilang MISYON galing sa Dios Ama.At kung magawa na natin ito ay saka naman nating makakamtan ang Pananampalataya sa kaniya at sa pamamagitan niya ayon sa pakikinig ng Salita ng Dios; Gaya ng nasusulat, "Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng Salita ni Cristo." (ROMA 10:17). At sa huli, ay sa ating pamumuhay ng kaniyang mga salita na sa pamamagitan ng pananampalataya ay gumagawa tungo sa kabanalan at pag-ibig, ay magsitanggap tayo ng Pangako ng Espiritu Santo, at sa gayo'y magsilago tayo sa biyaya ng kasakdalan ayon sa kapuspusan ni Cristo.Susunod:
ANG DAKILANG LAYUNIN NG PAGPARITO N1 GRISTO SA SANGLIBUTAN