Saliksikin:PanimulaThis is a featured page

KABANATA 1
SALIKSIKIN ANG AKLAT NG PANGINOON

Saliksikin:Panimula - Gospel of Truth“Humingi at bibigyan; kumatok at bubuksan; maghanap at makakasumpong…” Mga Kapatid na may paghahanap sa katotohanan ng Dios: Bagaman mabuti ang maniwalang mayroong Dios ay hindi sapat kung hindi natin bibigyang panahon at pagsisikap na Siya’y ating hanapin at kilalanin, sapagka’t nasusulat, “Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklam-suklam na kasamaan; Walang gumawa ng mabuti. Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios.” (AWIT 53:1, 2) “At sinabi ng Panginoong Jesucristo, magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo at kayo’y mangakasumpong; magsitutok kayo, at kayo’y bubuksan: Sapagka’t ang bawa’t humingi ay tumatanggap; at ang humanap ay nakasusumpong; at ang tumuktok ay binubuksan.” (MATEO 7:7, 8).

Tunay nga na ang sinomang may pagkukusa at pagsisikap sa mga bagay na kanyang ikabubuti ay pinagkakalooban, sapagka’t bagama’t nasa Dios ang awa at biyaya ay nasa tao naman ang pagganap. Sapagka’t nasusulat pa rin,
“Nguni’t siyasatin ng bawa’t isa ang kanyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang at hindi tungkol sa kapwa. Sapagka’t ang bawa’t tao ay magpapasan ng kanyang sariling pasan.” (GALACIA 6:4, 5) “Sapagka’t dadalhin ng Dios ang bawa’t gawa sa kahatulan, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y mabuti o masama.” (ECCLESIASTES 12:14) “Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay sa kanyangsarili.” (SANTIAGO 2:17)




lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Aug 28 2007, 6:28 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon

1 image added

view changes

- complete history)
Keyword tags: panimula saliksikin
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)