Saliksikin : Ang BibliaThis is a featured page

ANG AKLAT NG MGA BANAL NA KASULATAN O BIBLIA

Saliksikin : Ang Biblia - Gospel of TruthAng Aklat ng mga Banal na Kasulatan ay binubuo ng mga aklat ng mga propeta ng Unang tipan at ng mga alagad ng Panginoong Jesucristo sa Bagong Tipan. Nasusulat dito ang paglalang ng Dios sa langit at lupa nang pasimula; ang kasaysayan ng mga lahi ng mga tao; ang mga banal na hula ng mga bagay na mangyayari sa kalooban ng Dios, at ang Evangelio ni Cristo. Ang banal na aklat na ito ay tinatawag ding Biblia, sa wikang latin. Noong unang panahon na hindi pa sama-sama ang mga aklat ng mga propeta at ng mga alagad ay tinagurian ang mga ito sa salitang Griyego, na Biblion o Biblius na ang kahuluga’y “mga aklat.” Datapwa’t nang ang mga ito ay malikom na ng mga taong masikap sa kabanalan at pinagbuklod sa isang aklat ay pinamagatang Biblia, na nangangahulugang “ Kalipunan ng mga Aklat.”

At yamang ang aklat na ito ay nauukol sa kabanalan ay tinawag itong Banal na Biblia.
ANG LUMA AT BAGONG TIPAN Ang Biblia ay nahahati sa dalawang bahagi ayon sa pagkakaayos, ang mga aklat ng Una o Lumang Tipan at ang mga aklat ng Ikalawa o Bagong Tipan: Ano ang Tipan? Ang tipan ay isang kasunduang pinagtibay na may ma bubuting pangako sang-ayon sa katapatan ng mga utos at palatuntunang itinakda. Ang Unang Tipan ng Dios sa tao ay sa pamamagitan ni Abraham na ininigay ang pangako ng pagpapala sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng kanyang Binhi na itinalaga, kung mananatili sa Landas at katuwiran ng Dios. At pagkaraan ng apat na raan at tatllongpung taon ay ibinaba ng Dios ang kautusan upang makilala ng mga tao ang kasalanan; sapagka’t ang anomang pagsuway sa kautusan ay kasalanan. At ang tanda ng Unang Tipan ay ang pagtutuli sa laman ng lahat ng mga lalake sa sambahayan ni Israel. “Ang kautusan at ang mga palatuntunan nitong ayon sa laman ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo’y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.” (GALACIA 3:17,24)

Ang Bagong Tipan:
Nang Makita ng Dios na hindi nagsipanatiling tapat ang ating mga magulang sa Unang Tipan, at sa pagkakita niya ng kakulangan ng Tipang ito, ay gumawa siya ng isang Bagong Pakikipagtipan sa sambayanan ni Israel sa pamamagitan ng pagsugo Niya sa Binhing ipinangako, samakatuwid baga’y si Jesucristo na ating Manunubos. At sa kaniyang bibig ay lumabas ang mga utos at katwiran ng Dios ayon sa Espiritu; na sa pamamagitan ng kaniyang Banal na Dugo na ibinuhos sa ikalilinis ng ating mga kasalanan, ang mga nagsisampalataya ay magsipagmana ng buhay ng buhay na walang hanggang pagkatanggap ng bautismo sa kaniyang Banal na Pangalan.

ANG AKLAT NG HULA Ang Banal na Kasulatan ay naglalaman ng mga dakilang hula ng Dios na sinalita sa pamamagitan ng mga Propeta tungkol sa mga mga bagay na nararapat maganap pagsapit ng mga panahong itinakda. Narito ang ilang banal na hula noong mga kaunaunahang panahon na naganap sa mga huling panahon:

1. Ang Pagdating ng Cristo ng Dios: Ang Pangako ng pagdating ni Jesucristo aySaliksikin : Ang Biblia - Gospel of Truth sinalita na ng Dios buhat pa nang pasimula sa hardin ng Eden nang magkasala ang mga unang taong sina Adam at Eva dahil sa lalang ng Diablo. Nang sabihin ng Dios sa Ahas na siyang Satanas na ang binhi niya at ng babae ay pag-aalitin; na ang Binhi ng babae ang dudurog sa kaniyang ulo at ang binhi ng ahas naman ang dudurog sa sakong Nito; ay tinutukoy na ng Dios na ang kaniyang Cristo ay ipapanganak ng isang babae na siyang gigiba sa mga gawa ng Diablo; datapuwa’t ang ministro naman ng Diablo sa sanglibutan ang gigiba sa katawan ng Panginoon Jesus sa kaniyang kalbaryo. (GENESIS 3:14,15) Muli, sinalita din ng Dios ang pagparito ng binhing ipinangako kay Abraham, at sa pamamagitan din ng mga hinirang Niyang mga propeta, mula kay Moises hanggang kay Juan Bautista.

2. Ang lahi na pinagmulan ni Jesus, na mula sa angkan ni Juda, at ang lugar ng kapanganganakan, na Bethlehem, ay sinalita na sa pamamagitan ng bibig ng mga propeta gaya ni Mikas, may 500 taon bago maganap. (MIKAS 5:2)

3. Ang mga dakilang tanda at mga makapangyarihang gawa na gagawin ng Cristo ay inihula rin sa pamamagitan ng Propeta Isaias, may ilang daang taon bago dumating ang Cristo. (ISAIAS 35:4,5)

4. Ang pagkakanulo ni Judas Escariote, na alagad ni Cristo Jesus, na itinalagang maging anak ng kapahamakan; at maging ang kaupahang 30 pilak ay sinalita na nang una pa sa pamamagitan ni David at ni Zacarias, may isang libong taon bago ang kapanahunan. (AWIT 41:9; ZACHARIAS 11:12)

5. Ang kalbaryo na papasanin ni Jesus sa mga taong walang pananampalataya, ang kaniyang mga paghihirap sa mga ng kaniyang katawan, at ang kaniyang kamatayan sa krus sa ikatutubos ng mga nagsisisampalataya at nagbabalik loob sa Dios ay hinula na rin nang una. (ISAIAS 53: 3-6; AWIT 22:16-18)

6. Ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon Jesus sa ikatlong araw ng pagkagiba ng Templo ng Dios, na siyang kanyang katawan, upang maging pag-asa ng biyaya ng buhay na walang hangan sa mga nagsitanggap ng bautismo sa kamatayan ng Manunubos. (JUAN 3: 19-21 ; MATEO 16:21) 7. Ang muling pagbabalik ng Anak ng Tao upang maghari sa sanglibutan at hatulan ang mga buhay at mga patay sa ikaluluwalhati ng Dios Ama, at ang katapusan ng sanglibutan at paghuhukom ay mga huling dakilang hula; na walang sinomang nakakaalam kung kailan magaganap, maging ang mga l anghel, maging ang Anak, kundi ang Ama lamang (MATEO 24:3-36; JUAN 14;2-3; GAWA 1:10-11)



lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Aug 28 2007, 6:42 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon

2 images added

view changes

- complete history)
Keyword tags: biblia saliksikin
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)