ANG EVANGELIO NI CRISTO
Ang Banal na Kasulatan o Biblia ay tunay na tinuturing na Aklat ng Karunungan sa ikaliligtas ng bawa’t kaluluwa sapagka’t dito nasusulat ang Evangelio ng Kaharian ng Dios.
Ano ang Evangelio? Ang Evangelio (Gospel) ay nangangahulugang ang Mabuting Balita (Good Spell, Good Tidings, Good News), samakatuwid baga’y ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios. Ito ang buong aral ng Panginoong Jesus na nangagbalita ng kapatawaran ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya sa Pangalan ng Anak ng Dios. Sa pagdating nga ni Jesucristo, ang Binhing ipinangako, ay ipinakilala ng Dios sa atin ang tunay na katuwiran at mga utos ayon sa katotohanan, na siyang gabay natin tungo sa buhay na walang hanggan.
Ayon nga sa nasusulat, “Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: Mula noo’y ang Evangelio ng Kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa’t tao ay pumapasok doon na nagpipilit.” (LUCAS 16:16) “Sapagka’t ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang
biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesucristo.”
(JUAN 1:17) Ang Katotohanan ng Dios na kinakailangang makilala ng lahat ng tao ay ipinangaral nga ni Cristo na pinatotohanan ang Salita ng Dios. Sapagka’t nasusulat. “Ang Salita na kanyang ipinadala sa mga anak ni Israel, na ipinangangaral ang Evangelio ng Kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo. (Siya’y Panginoon ng lahat) Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa boong Judea, magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan; Samakatuwid baga’y si Jesus na taga-Nazareth, kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng Diablo; sapagka’t sumasakanya ang Dios.”(GAWA 10:36-38) “At Dahil naman dito, kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang Salita na ipinangaral, samakatuwid baga’y ang Salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng tao, kundi, ayon sa katotohanan, na Salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.” (1 TESALONICA 2:13) “Pakabanalin mo sila sa Katotohanan: Ang Salita mo’y Katotohanan.” (JUAN 17:17) “Dahil sa pag-asa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng Evangelio.” (COLOSAS 1:5)
Ngayo’y talastas nga natin, mga kapatid, na ang Salita ng Dios, na siyang katotohanan ng Evangelio ng kaharian ay dumating sa pangangaral ni Cristo Jesus. Gayunma’y hindi lingid sa ating lahat ang kadakilaan ng Hiwaga ng Dios, na dahil dito’y iningatan din niya ang Hiwaga ng kanyang Salita, na ipinagkaloob lamang sa mga tunay na nagsisisampalataya. (Tulutan ninyo nawa ako na maihayag ko ang banal na hiwaga ng Salita ng Dios, na siyang Verbo ng Dios, sa mga huling bahagi ng aklat na ito, yamang siyang inaakala kong lalong mabuting kaayusan para sa lalong ikauunawa ninyo.) Tungkol dito ay nasusulat, “ At walang pagtatalo, dakila ang Hiwaga ng
kabanalan; Yaong nahayag sa laman, pinapaging banal sa espiritu, nakita ng mga anghel, Ipinangaral sa mga bansa, Sinampalatayanan sa sanglibutan, Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.” (I TIMOTEO 3:16) Gayon man ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, O ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito’y nangauuwi sa wala: Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, Yaong karunungan na itinalaga ng Dios bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin. Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka’t kung nakilala sana nila, ay dising di-ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.” (1 CORINTO 2:6-8) “At sa akin, upang ako’y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang Hiwaga ng Evangelio.” (EFFESO 6:19) “Maging ang Hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa’t ngayo’y ipinahayag sa kaniyang mga banal. Na sa kanila’y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng Hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito’y si Cristo na nasa inyo, na pag-asa ninyo sa kaluwalhatian. Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa’t tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa’t tao.” (COLASAS 1:26-28)
Gayon nga, mga kapatid, sapagka’t dakila ang Hiwaga ng Dios, kaya’t ito’y itinalagang Banal na Lihim na inihahayag lamang sa mga malilinis ang puso’t gumagawa ng katuwiran ng Dios. Dahil dito, si Cristo Jesus na ating Guro at Panginoon ay iningatan ang kabanalan ng Hiwagang ito, na tinuruang malinaw ang mga pinalalapit sa kanya at napipisil ng Ama, gayon ma’y nagsalita sa karamihan sa pamamagitan ng talinghaga; ayon sa nasusulat, “Lahat ng mga bagay na ito’y sinabi ni Jesus sa mga karamihan sa mga talinghaga; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap: Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsabi, Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat ng Itatag ang sanglibutan.” (MATEO 13:34-35)
Kaya nga’t ang Panginoong Jesus ay nagturo sa pamamagitan ng mga talinghaga. At sa pamamagitan ng mga pananalitang talinghaga ay inihayag niya ang mga natatagong lihim buhat pa ng pasimula. Datapuwa’t bakit nga kaya nagsalita ang Panginoong Jesus sa madla nang patalinghaga at hindi tuwiran o nang may buong kaliwanagan? “At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kanya, bakit mo sila pinagsasalitaan ng mga talinghaga? At sumagot siya at sinabi sa kanila, sa inyo’y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit datapuwa’t hindi ipinagkaloob sa kanila. Sapagka’t sinomang mayroon ay bibigyan, at siya’y magkakaroon ng sagana: nguni’t sinomang wala, pati nang nasa sa kaniya ay aalisin sa kaniya. Kaya’t sila’y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka’t nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa. At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi; sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mapag-uunawa; at sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mamamalas: Sapagka’t kumapal ang puso ng bayang ito, at mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata. At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang mga puso, At muling mangabalik loob, At sila’y aking pagalingin... Datapuwa’t mapapalad ang inyong mga mata, sapagka’t nangakakakita at ang inyong mga tainga, sapagka’t nangakakarinig.” (MATEO 13: 10-16) “Ngunit ang walang kabuluhang tao ay walang unawa; Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.” (JOB 11:12) “Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon ang iyong mga pag-iisip ay totoong malalim. Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang.” (AWIT 92:6) “Karunungan ay pinakapangulong bagay; kaya’t kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.” (KAWIKAAN 4:7)
Kaya nga’t sa mga nahirang ng Dios, gaya ng kaniyang mga alagad ay binuksan ng Panginoong Jesus ang kanilang mga pag-iisip upang mapag-unawa nila ang mga kasulatan (LUCAS 24:45). “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binibigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala Siya na Totoo, at tayo’y nasa Kaniya na Totoo, samakatuwid ay sa Kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang Buhay na Walang Hanggan.” (1JUAN 5:20)
ANG EVANGELIO AY KAPANGYARIHAN NG DIOS SA IKALILIGTAS
“Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang Evangelio, sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una’y sa Judio, at gayon din sa Griego. Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: Gaya ng nasusulat, nguni’t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” (ROMA 1:16, 17) “Sapagka’t aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa Evangelio na aking ipinangaral, na ito’y hindi ayon sa tao. Sapagka’t hindi ko ito tinanggap sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.” (GALACIA 1:11, 12) SALIKSIKIN AT BASAHIN ANG BANAL NA AKLAT
“Inyong saliksikin sa Aklat ng Panginoon, at inyong basahin. Kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kanyang kasama; sapagka’t iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kanyang Espiritu.” (ISAIAS 34:16) “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggang; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” (JUAN 5:39)
ANG MAKAKILALA SA KATOTOHANAN AY MAY KALAYAAN NA
“At inyong makikilala ang Katotohanan, at ang Katotohana’y magpapalaya sa inyo. Sa kaniya’y kanilang isinagot, kami’y binhi ni Abraham, at kailanma’y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo kayo’y magiging laya? Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanan sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man, ang anak ang nananahan magpakailan man. Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo’y magiging tunay na malaya.” (JUAN 8:32, 36) “At ang Espiritu ang nagpapatoto, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan.” ( 1 JUAN 5:7) “Ngayon, ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan . (2 CORINTO 3:17)
IPANGARAL ANG EVENGELIO SA BUONG SANGLIBUTAN
“At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang Evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan (MARCOS 16:15, 16) “Dahil dito ay magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa Pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” (MATEO 28:19, 20)