Saliksikin : Ipinasulat sa AklatThis is a featured page

ANG KARUNUNGAN NG DIOS AY IPINASULAT
SA AKLAT BILANG PINAKAALAALA AT ARAL

“Ang Dios, na nag salita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan ng kanyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanlibutan.” (HEBREO 1:1, 2) “At sinabi ng Panginoong Dios kay Moises, Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat at ipagbigay alam mo kay Josue na Aking ipalilimot ang pag-alaala kay Amalec sa silong ng langit.” (EXODO 17:14) “Nang magkagayo’y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsang-usapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap Niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumugunita ng kanyang Pangalan.” (MALAKIAS 3:16) “Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” (2PEDRO 1:20,21) “Sapagka’t ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pag-aliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pag-asa.” (ROMA 15:4). Saliksikin : Ipinasulat sa Aklat - Gospel of Truth “Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita, at mga ministro ng Salita. Ay minagaling ko naman. Pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa inyong sunod-sunod, kagalanggalang na Teofilo; Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.” (LUCAS 1:1-4) (At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga Banal na kasulatan na makapgpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” (2 TIMOTEO 3:15)




lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Aug 28 2007, 6:38 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon

1 image added

view changes

- complete history)
Keyword tags: Aklat ipinasulat saliksikin
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)