Saliksikin : Kabanata 3 Kilalanin at SambahinThis is a featured page

KABANATA 3
KILALANIN AT SAMBAHIN

- ANG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT,
- ANG AMA AT BUHAY NA WALANG HANGGAN,
- ANG ILAW AT LIWANAG NG SANGKALANGITAN AT SANGLIBUTAN

Saliksikin : Kabanata 3 Kilalanin at Sambahin - Gospel of Truth

Mga kapatid, na may takot at pag-ibig sa Dios: Tunay na nararapat
na ating lubusang makilala at mapag-unawa ang katotohanan ng Dios na buhay at makapangyarihan sa lahat, sapagka’t hindi makatuwiran na tayo’y sumasamba sa isang Dios na hindi natin nakikilala. Sapagka’t nararapat na magpakilala natin ang pinaglalagakan natin ng ating buong pag-asa ng kaligtasan at buhay na walang kanggan.

Sa ganito’y nasusulat;
“Sapagka’t ang bayan Ko ay hangal, hindi nila Ako nakikilala: sila’y mga mangmang na anak, at sila’y walang unawa; sila’y pantas sa paggawa ng masama, nguni’t sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.” (JEREMIAS 4:22) “Sumagot si Jesus, kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walng anoman; ang aking Ama’y siyang lumuluwalhati sa akin: na tungkol sa Kaniya’y sinasabi ninyo, na Siya’y inyong Dios: At hindi ninyo Siya napagkilala: nguni’t nakikilala ko Siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko Siya nakikilala, ay ako’y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa’t nakikilala ko Siya, at tinutupad ko ang Kanyang Salita.” (JUAN 8:54, 55) “At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi, kayong mga lalaking taga-Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo’y lubhang relihioso. Sapagka’t sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman Ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakakilala, Siya ang sa inyo’y ibinabalita ko.” (GAWA 17:22, 23)

Ang Dios ay nakaupo sa luklukan ng Kaluwalhatian ng Kaharian ng Langit Ang dakilang pangitain ni San Juan: “Pagdaka’y napasa Espiritu ako: at narito, may isang Luklukan nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng Luklukan ay may isang nakaupo; At ang nakaupo ay katulad ng isang Batong Jaspe at Sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang Esmeralda. At sa palibot ng luklukan ay may dalawampu’t apat na Luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawampu’t apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may putong na ginto. At mula sa Luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng Luklukan, na siyang Pitong Espiritu ng Dios. At sa harapan ng Luklukan ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gtina ng Luklukan, at sa palibot ng Luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran. At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad. At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa’t isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila’y walang pahinga sa araw at gabi, na nagsasabi “Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at Siyang darating.” At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa Luklukan, doon sa nabubuhay magpakailanman kailanman. Ang dalawangpu’t apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan Niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisamba doon sa nabubuhay magpakailanman kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi, “Marapat ka, oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: Sapagka’t nilikha mo ang lahat ng bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw at nangalikha.” (APOCALIPSIS 4:1-10)

ANG DIOS NG MGA DIOS; PANGINOON NG MGA
PANGINOON “Sapagka’t ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, at Siyang Dakilang Dios, Siyang makapangyarihan at Siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.” (DEUTERONOMIO 10:17)

ANG DIOS AY TUMATAYO SA KAPISANAN NG
DIOS; “Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng mga dios; Siya’y humahatol sa gitna ng mga dios. Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinakatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot Niya. Oh, Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo.” (AWIT 89: 7, 8)

ANG DIOS ANG MAY LALANG NG LANGIT AT LUPA;
ANG WALANG HANGGANG DIOS “Ganito ang sabi ng Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; Siyang naglatag ng lupa at ng nagsilitaw rito, Siyang nagbibigay hinga sa bayang ito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito. (ISAIAS 42:5) “Hindi mo baga naalaman? Hindi mo baga narinig? Ang walang hanggang Dios. Ang Panginoon, ang may lalang ng wakas ng lupa, hindi nanlalata, O napapagod man; Walang makatarok ng kanyang Unawa. Siya’y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinanagana Niya sa kalakasan.” (ISAIAS 40: 28, 29) “At inyong kinalimutan ang Panginoon na may lalang sa iyo, na nagladlad ng mga langit, at naglagay ng mga patibayan ng lupa; at ikaw ay natatakot na lagi boong araw dahil sa pusok ng namimighati, pagka Siya’y nagmamadali upang gumiba? At saan nandoon ang pusok ng namimighati? (ISAIAS 51:13) “Kayoy’ aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at Aking lingkod na aking pinili: Upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa Akin, at inyong matalastas na Ako nga; Walang Dios na inanyuan na una sa akin, O magkakaroon man pagkatapos Ko. “Ako, samakatuwid baga’y Ako ang Panginoon; at liban sa Akin ay walang tagapagligtas. Ako’y nagpahayag at Ako’y nagligtas at Ako’y nagpakilala, at walang ibang DIOS sa gitna ninyo: Kaya’t kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios. Oo, mula nang magkaroon ng araw ay Ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa Aking Kamay: Ako’y gagawa, at sinong pipigil? (ISAIAS 43:10-13)

ANG DIOS ANG ILAW AT LIWANAG NA WALANG
HANGGAN “At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo’y aming ibinalita, na ang Dios ay Ilaw, at sa Kaniya’y walang anomang kadiliman.” (1 JUAN 1:5) “Ang Panginoon ay aking LIWANAG, at aking kaligtasan, Kanino ako matatakot? Ang Panginoon ay katibayan ng aking buhay, kanino ako masisindak.” (AWIT 27:1)

ANG DIOS AY ANG MALAKING BATO “Sapagka’t sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang Malaking Bato maliban sa ating Dios? (AWIT 18:31) “Kayo’y huwag mangatakot, O magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa inyo nang una, at ipinakilala? At kayo ang Aking mga saksi. May Dios baga liban sa Akin? Oo, walang Malaking Bato; Ako’y walang nakikilalang iba.” (ISAIAS 44:8) “Kayo’y magsipakinig sa Akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa Malaking Bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng Hukay na kinahukayan sa inyo.” (ISAIAS 51:1)

ANG DIOS AY IISA LAMANG – ANG AMA
“Sapagka’t bagama’t mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit O maging sa lupa: gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; Nguni’t sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo’y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, Si Jesucristo na sa Pamamagitan niya lahat ng mga bagay at tayo’y sa pamamagitan niya.” (1 CORINTO 8: 5, 6) “Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.” (EFESO 4:6)

ANG DIOS AY ANG BUHAY NA WALANG
HANGGAN “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala Siya na Totoo at tayo’y nasa kanya na Totoo, sa makatuwid ay sa kanyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang Buhay na Walang Hanggan.” (1 Juan 5:20)

ANG DIOS AY ESPIRITU
“Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa Espiritu at katotohanan sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kanya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa Espiritu at sa Katotohanan.” (JUAN 4:23, 24)

ANG DIOS AY ANG VERBO O ANG SALITA
“Nang pasimula Siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Juan 1:1)

ANG DIOS AY PAG-IBIG
“Mga minamahal, mangag-ibigan tayo sa isa’t isa: sapagka’t ang Pag-ibig ay sa Dios; at ang bawa’t umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios: Sapagka’t ang Dios ay Pag-ibig.” (1 JUAN 4:7, 8)

ANG DIOS AY NAGPAHAYAG SA PANGALANG AKO NGA
“Oh! Panginoon naming Dios, ang ibang Panginoon, bukod sa Iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni’t ikaw lamang ang babanggitin namin sa Pangalan.” (ISAIAS 26:13) “Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali’t saling lahi mula ng Una? Akong Panginoon. Ang una at kasama ng Huli, AKO NGA. (ISAIAS 41:4) “Ako ang Panginoon: na Siyang Aking Pangalan: at ang Aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang aking mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.” (ISAIAS 42:8) “At sinabi ni Moises sa Dios, narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo Ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kanyang Pangalan? Anong sasabihin ko sa kanila? At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kanyang sinabi, ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA… Ito ang Aking Pangalan magpakailanman, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.” (EXODUS 3:13-15)

Mga kapatid sa Espiritu, nang pasimula’y hindi nga nagpakilala ang ating Dios at Ama sa kanyang Banal at Lihim na Pangalan, ng Una at ng Huli, ang Alpa at ang Omega na siyang AKO NGA, sapagka’t Ito’y kakilakilabot at hindi maaaring banggitin sa bibig ng sinomang tao. Datapuwa’t upang ang mga tao ng lahat ng mga lahi ay makatawag
sa Kaniya bagama’t sa hindi pagkakilala ay nagkaloob ang Dios ng mga pangalang panawag sa kaniya sa boong sanglibutan. At isa sa Pitong Pangalan sa ibabaw ng lupa na nagpapahayag ng Kaluwalhatian ng Dios ay ang Salitang Hebreo na, Jehova.

At narito ang lihim na kahulugan at pinanggalingan ng pangalang Jehova:
Ang Jehova ay hango sa alpabeto ng wikang Hebreo, ang apat na titik o Letrang J H V H na tinaguriang Tetragramatton (tetra-four, grammaton-letters); na ang bawat letra ay may kahulugan sa panitikan Hebreo: Letra o Titik J(Y or I) H V H Tunog o Bigkas Yod HAY(HE) VAU HAY(HE) Pagsibol BUHAY PAGKAISA BUHAY (Existence) (Life) (Copulation) (Life)

At sapagka’t pawang katinig, J H V H, at hindi mabasa sa ibang wika ay nilagyan sa mga pagitan ng mga patinig na E, O, A, na mula sa mga salitang, ELOHIM, at ADONAI, na kahalintulad sa salitang Dios, at nabuo nga ang pangalang J E H O V A H na nangangahulugang, AKO NGA ANG DIOS NA BUHAY.


Kaya nga’t ang Banal na Lihim na Pangalan (PROPER NAME) ng Dios ay natatago sa pangalang Jehovah, (COMMON NAME), tulad pa ng ibang mga panawag sa Dios na Buddha, Allah, Bathala, at iba pa na dapat din naman bigyan ng kaukulang paggalang at pagpapahalaga yamang ang mga ito’y pagpuri sa Dios ng Kaluwalhatian.



lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Aug 28 2007, 7:07 PM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon

1 word added
19 words deleted
1 image added

view changes

- complete history)
Keyword tags: kilalanin saliksikin sambahin
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)