KABANATA 4
SINO SI JESUCRISTO?
- ANO ANG KALUWALHATIANG IBINIGAY SA KANYA NG DIOS? - BAKIT NAPARITO ANG ANAK NG DIOS SA SANGLIBUTAN?
Mga minamahal, ang Dios ay Pag-ibig at sa kanyang Dakilang Pag-ibig ay sinugo ang kanyang Bugtong na Anak na pinakamamahal upang sa pamamagitan niya ay maligtas ang lahat ng nagsisisampalataya: “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan na ibinigay Niya ang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka’t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.” (JUAN 3:16, 17) “Nguni’t ang Dios, palibhasa’y mayaman sa awa, dahil sa Kanyang Malaking Pag-ibig na kanyang iniibig sa atin, Bagama’t tayo’y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas).” (EFFESO 2:4, 5) “Kundi nakita natin ang ginawang mababa ng kaunti kaysa mga anghel, samakatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa’t tao. Sapagka’t marapat sa kaniya na pinag-ukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit” (HEBREO 2:9, 10) Datapuwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan. Upang matubos Niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.” (GALACIA 4:4,5) “Na inyong nalalamang kayo’y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak O ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga’y ang dugo ni Cristo.” (1PEDRO 1:18,19)
Naparito nga ang Panginoong Jesucristo upang ganapin ang Pag-ibig ng Ama sa sangkatauhan at tayoy’y tubusin mula sa ikalawang kamatayan; na nang tayo’y mga makasalanan at mahihina pa ay namatay si Cristo para sa atin upang tayo’y mapagkasundo niya sa Dios. Dahil dito’y nararapat lamang na ating kilalanin at papurihan ang kadakilaan ni Jesucristo sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
ANO ANG KAHULUGAN NG PANGALANG JESUS
Nasusulat sa Banal na Aklat; “At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS: sapagka’t ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga’y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, at ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay EMMANUEL; na kung liliwanagin ay sumasa atin ang Dios.” (MATEO 1:21, 23) Ang pangalang JESUS nga ang siyang itinawag sa Anak ng Dios ng siya’y ibinaba sa sanglibutan at nagkatawang Tao. At ang pangalang JESUS, ay salitang Griego, nangangahulugang Ang Manunubos” INGLES : JESUS PILIPINO : HESUS GRIEGO : IESOUS LATIN : IESUS HEBREO : YESHOUA O YEOHSUAH Ang pangalang JESUS na sa wikang Hebreo ay YESHOUWA ay hango mula sa mag titik: Y H S H W H Na ang bawa’t letra o titik ay may kahulugan sa Alpabeto ng wikang Hebreo na sumusunod: Y (J or I) H SH W (V, U) H YOD HAY SHEEN WAW HAY (Pagsibol) (Buhay) (Hininga ng Buhay) (Pagkaisa) (Buhay) (Existence) (Life) (Cosmic Breath) (Copulation) (Life) Kaya nga, ang YESHOUWA ay nangangahulugan din na: Ang sumibol na buhay, mula sa Hininga ng Buhay, na kaisang bahagi at Anak ng Buhay na Walang Hanggan – ang tunay at buhay na Dios. Samantala ang salitang Cristo sa wikang Griego ay CHRISTOS at sa Hebreo ay MESSIAH ay nangangahulugang, ang Pinahiran ng Dios, Ang Anak ng Dios.
Kung atin ngang uunawaing mabuti, ang pangalang JESUCRISTO na ibinansag sa dakilang pastor ay nangangahulugang, Ang Anak ng Dios na Pinahiran at isinugo upang maging manunubos at Tagapagligtas ng sanglibutan. Datapwa’t Ang Banal at Lihim na Pangalan ng Anak ng Dios na hindi mababanggit sa bibig ng sinomang tao ay natatago sa pangalang
JESUS. ANG KALUWALHATIANG IBINIGAY NG DIOS AMA KAY JESUS, BILANG ANAK NG TAO; AT CRISTO, BILANG ANAK NG DIOS A. BILANG ANAK NG DIOS: 1. Larawan ng Pagka-Dios: tagapagmana ng lahat ng mga bagay.
Nasusulat, “Ang Dios ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan ng kanyang Anak, na siyang itinalaga bilang tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan niya’y ginawa ang sanglibutan; Palibhasa’y siyang sinag ng kanyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kanyang pagka-Dios, at umaalalay ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kanyang Kapangyarihan, nang kanyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan. Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa’y nagmana ng lalong marilag na Pangalan kay sa kanila.” (HEBREO 1:1-4) 2. Panganay sa lahat ng mga anak ng Dios
“Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging Panganay sa maraming magkakapatid.” (ROMA 8:29) “At muli nang dinadala niya ang Panganay sa sanglibutan ay sinasabi, At sambahin Siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.” (HEBREO 1:6) 3. Ang Anak na kinalulugdan sa lahat.
“At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu Santo na bumabang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kanya; At narito, ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na Siya kong Lubos na kinalulugdan.” (MATEO 3:16, 17) 4. Guro at Panginoon “At tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka’t Ako nga. Kung Ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa’t isa. Sapagka’t kayo’y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ayon sa ginawa ko sa inyo.” (JUAN 13:13-15)
5. Pastor at Obispo ng mga Kaluluwa
“Sapagka’t kayo’y gaya ng mga tupang nangaligaw; datapwa’t ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.” (1 PEDRO 2:25)
6. Ang Siya lamang karapatdapat magbuklat ng Aklat ng Buhay
“At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang cordero na nakatayo na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa. At siya’y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan. At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa’t isa’y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal, at sila’y nangag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapat-dapat na kumuha ng aklat at magbukas ng mga tatak nito: sapagka’t ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa’t angkan at wika, at bayan, at bansa.” (APOCALIPSIS 5:6-9)
7. Ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. “At nakita kong bukas ang mga langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katwiran siya’y humahatol at nakikipagbaka. At ang kanyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya’y may isang pangalang nakasulat na sinoman ay di nakaalam kundi siya rin. At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kanyang damit at sa Kanyang hita. Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” (APOCALIPSIS 19:11, 12, 16)
BILANG ANAK NG TAO:
1. Ang Manunubos: ang Cristo ng Panginoon “At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” (MATEO 1:21) “Sapagka’t ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang tagapagligtas, na siya ang Cristo ng Panginoon.”
2. Ang Binhing Ipinangako “Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kanyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, at sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, at sa iyong binhi, na si Cristo.” (GALACIA 3:16) 3. Ang Tagapamagitan sa Dios at sa tao
“Sapagka’t ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesucristo.” (JUAN 1:17) “At dahil dito’y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.” (HEBREO 9:15) 4. Ang Cordero ng Dios; ang Tinapay ng Buhay
“Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa Kanya, at sinabi, narito ang Cordero ng Dios na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan.” (JUAN 1:29) “Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito siya’y mabubuhay magpakailanman: Oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.” (JUAN 6:51)
5. Ang Mabuting Pastor; Ang Dakilang Saserdote
Ako ang Mabuting Pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kanyang buhay dahil sa mga tupa.” ((JUAN 10:11) “Yaman ngang tayo’y mayroong isang lubhang Dakilang Saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.” (HEBREO 4:14)
6. Ang Hahatol: Ang Magbabautismo sa Espiritu Santo “Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay? Oo, yaong nabuhay na mag-uli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin?” (ROMA 8:34) “At sa ami’y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.” (GAWA 10:42) “At binigyan siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y Anak ng tao.” (JUAN 5:27) “Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapat-dapat magdala ng kanyang pangyapak: siya ang sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy, Sabi ni Juan.” (MATEO 3:11)
7. Ang Saksing Tapat; ang Nagpatotoo sa Katotohanan “At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo.” (APOCALIPSIS 1:5) “Sinabi nga sa kanya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing Ako’y Hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako’y naparito sa sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.” (JUAN 18:37) “At ako’y nagpatirapa sa kanyang paanan upang siya’y aking sambahin. At sinabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: Ako’y kapwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroon patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka’t ang Patotoo ni Jesus ay siyang Espiritu ng Hula.” (APOCALIPSIS 19:10) “At kanyang nakita at narinig, ay siyang pinatotohanan niya at walang taong tumatanggap ng kanyang patotoo. Ang tumatanggap ng kanyang patotoo ay naglagay dito ng kanyang tatak, na ang Dios ay Totoo.” (JUAN 3:32, 33)