Saliksikin : Kabanata 7 Banal na KautusanThis is a featured page

KABANATA 7
ANG BANAL NA KAUTUSAN AT KATWIRAN NG DIOS

Mga minamahal na kapatid, sinabi ng Panginoong Jesus, “kung Ako’y inyong iniibig ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.” (JUAN 14:13)

Dahil dito’y nalalaman natin na ang nananahan sa pag-ibig ng Dios ay hindi ang mga taong nagsisiibig sa Panginoon sa pamamagitan ng bibig lamang bagkus ang mga nagsisiganap ng kautusan at kalooban ng Dios, Hindi nga baga’t sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang bayang ito’y iginagalang Ako ng kanilang mga labi datapwa’t ang kanilang mga puso ay malayo sa Akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa Akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.” (MATEO 15:7) “Sapagka’t ang nagsasabing nakikilala niya ang Dios gayunma’y hindi tumutupad ng mga utos ng Dios ay sinungaling at ang katotohanan ay wala sa kaniya. Datapuwa’t ang sino mang tumutupad sa kaniyang salita tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pag-ibig ng Dios. Dahil dito’y nalalaman nating tayo’y nasa kaniya.” (1 JUAN 2:4, 5)

At narito ang mga banal na kautusan na ipinagkaloob sa atin ng Dios upang magsilbing tanglaw at gabay sa paraan ng pamumuhay ng mga anak ng kaharian:


ANG SAMPUNG UTOS


“Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;

1. Huwag kang magkakaroon ng ibang Dios sa harap ko.


2. Huwag kang gagawa para sayo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila: Sapagka’t akong Panginoon mong Dios ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak hanggang sa ikatlo o ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin. At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

3. Huwag mong babanggitin ang Pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng Kaniyang Pangalan sa walang kabuluhan.


4. Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin.


5. Igalang mo ang iyong ama at ina.


6. Huwag kang papatay.


7. Huwag kang mangangalunya.


8. Huwag kang magnanakaw.

9. Huwag kang magbibintang sa iyong kapwa.


10. Huwag mong iimbutin ang bahay, ni asawa, ni aliping
lalake o babae, baka, ni asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.” (EXODO 20:1-17)

Datapuwa’t paano nga kaya nating lubos na matutupad ang sampung utos ng Dios? Maraming mga tao ang nagsisipagsabing hindi natin totoong matutupad ang sampung utos ng Dios, sapagka’t tayo’y tao lamang na marupok at mahina. Bagaman may matuwid din ang pananalitang ito ay nararapat nating malaman na ang banal na kautusan ng Dios ay hindi ibinigay para sa mga taong taga-sanglibutan kundi sa mga anak ng Dios na hinirang mula sa sanglibutan.

Sapagka’t, ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ayon sa Espiritu; at sinabi ng Panginoong Jesus na ang tao ng Dios ay nakikinig sa salita ng Dios datapwa’t ang hindi sa Dios sa anomang paraan ay hindi tatanggap ng mga salita ng Dios.
Unawain nga natin, mga kapatid, na ang mga utos ng Dios ay para sa mga taong inaring karapatdapat na maging anak ng Dios sa pamamagitan ng pagsisisi at paglilinis ng mga kasalanan sa dugo ni Cristo at sa pananampalataya sa Pangalan ng Anak ng Dios.

At maliban ngang ang tao’y ipinanganak na muli sa Espiritu at
tumanggap sa katuwiran ng Evangelio ng Dios ay hindi niya magaganap ng buong kasakdalan ang kautusan. Dahil dito’y sinabi ng Panginoong Jesucristo, “Sapagka’t sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga escriba at mga fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.” (MATEO 5:20) “Datapuwa hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” (MATEO 6:33)

ANG MGA KATUWIRAN SA PAGTUPAD NG KAUTUSAN Ang pangulong Utos sa lahat: “At lumapit ang isa sa mga escriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa’y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, ano baga ang pangulong utos sa lahat? Sumagot si Jesus, Ang Pangulo ay pakinggan mo, oh, Israel; ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa: At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng boong puso mo, at ng boong kaluluwa mo, at ng boong pag-iisip mo, at ng boong lakas mo. Ang pangalawa ay ito, ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. walang ibang utos na hihigit sa mga ito.” (MARCOS 12:28, 31)

Tunay nga na ang Pinakapangulong utos ay ang pag-ibig, una sa Dios at ikalawa sa kapuwa tao; ito ang kabuuan ng Sampung Utos. Sapagka’t mula sa unang utos hanggang ika-lima na utos ay natutupad sa pamamagitan ng pag-ibig sa Dios ng boong puso, kaluluwa, pag-iisip at lakas; ang mula ika-6 hanggang ika-10na utos ay ang pag-ibig sa kapuwa gaya ng sa sarili.

Dahil dito’y nasusulat, “At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pag-ibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pag-ibig; at ang nananahan sa pag-ibig ay nananahan sa Dios at ang Dios ay nananahan sa kanya.” (1 JUAN 4:16) “Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban sa mangagibigan kayo: sapagka’t ang umiibig sa kaniyang kapwa’y nakaganap na ng kautusan. Sapagka’t ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga’y Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng sa iyong sarili. Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa: ang pag-ibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.” (ROMA 13: 8-10) “Kung sinasabi ng sinoman. Ako’y umiibig sa Dios. At napopoot sa kanyang kapatid ay sinungaling, sapagka’t ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita? At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umiibig sa kaniyang kapatid.” (1 JUAN 4:20,21) “Sinabi nga ng Panginoong Jesus Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo ay mangag-ibigan sa isat-isa, na kung paano ko kayo inibig, ay mangag-ibigan naman kayo sa isa’t isa. Sa ganitoy mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y mag pag-ibig sa isa’t isa.” (JUAN 13:34-35)

Tungkol sa Pagpatay:
“Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib sa kahatulan: Datapwa’t sinasabi, ko sa inyo, na ang bawa’t mapoot sa kanyang kapatid ay mapapasapanganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasapanganib sa Sanedrin: at ang sinumang magsabi, Ulol ka ay mapapasa panganib ng impierno ng apoy.” (MATEO 5:21,22)

Tungkol sa Pangangalunya:
“Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso.” (MATEO 5:27-28)

Tungkol sa Paghihiwalay sa Asawa:
“Sinasabi rin naman, ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, ay bigyan niysiya kasulatan ng paghihiwalay: Datapwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang sinumamg lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahilan; ay siya ang sa kaniya’y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinumang mag-asawa sa kanya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.” (MATEO 5:31,32)

Tungkol sa Panunumpa:
“Bukod sa rito’y inyong narinig na sinabi sa mga tao sa una, huwag kang manumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa. Datapwat sinasabi ko sa inyo, Huwag ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka’t siyang luklukan ng Dios; Kahit ang lupa, sapagka’t siyang tuntungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapgka’t siyang bayan ng dakilang Hari, Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka’t hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim; Datapwa’t ang magiging pananalita ninyo’y Oo, Oo; hindi, hindi; sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama.” (MATEO 5:33-37)

Tungkol sa Paghihiganti: “Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: Datapwa’t sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makikilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo’y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila, at sa mag-ibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin sa kaniya ang iyong balabal. At sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya ay lumakad ka naman ng dalawang milya na kasama niya. Bigyan mo ang sa iyo’y humihingi at huwag mong talikdan ang sa iyo’y nangungutang. Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: Datpwa’t sinasabi ko sa inyo, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig; Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit; Sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap. Sapagka’t kung kayo’y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtim? Hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? Hindi baga gayon din ang mga ginagawa ng mga gentil? Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.” (MATEO 5:38-48)

Tungkol sa Paggawa ng Katwiran sa Harap ng mga Tao: “Mag-ingat kayo na huwag magsigawa ng mga katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti sa inyong Ama na nasa langit. Kaya nga, pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan upang sila’y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang sa kanila’y ganti. Datapwa’t pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; Upang ang iyong paglimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay gagantihin ka.” (MATEO 6:1-4)

Tungkol sa Pananalangin:
“At pagka kayo’y nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpa-imbabaw: sapagka’t iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila’y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila’y ganti. Datapwa’t ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nasa lihim ay gagantihin ka. At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulit-ulit na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka’t talastas ng inyong Ama ang mga bagay na iyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.”(At itinuro sa atin ang manalangin ng “AMA NAMIN”). (MATEO 6:5-9)

Tungkol sa Pag-aayuno:
“Pagka kayo’y nangag-aayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka’t kanilang pinasasama ang mga mukha nila upang makita ng mga tao na sila’y nangangaayuno.Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila’y ganti. Datapwa’t ikaw sa pag-aayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha: upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo na nasa lihim ay gagantihin ka.” (MATEO 6:16-18)

Tungkol sa Pagtitipon ng Kayamanan:
“Huwag kayong mangagtipon ng kayamanan sa lupa, na dito’y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito’y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw. Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira kahit ang tanga, kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw. Sinoma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka’t kapopootan niya ang isa, at pawawalang halaga ang ikalawa: O kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.” (MATEO 6:19-34)

Tungkol sa Pagkabalisa sa Araw ng Bukas:
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila? At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangagbabalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paano hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man: Gayon ma’y sinasabi ko sa inyo, na kahit si Solomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak ng gaya ng isa sa mga ito. Ngunit kung pinararamtan ng Dios na ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa’y iginagatong sa kalan, hindi baga lalong lalo na kayong pararamtan niya, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya? Huwag kayong mangagbalisa, na mangagsabi, ano ang aming kakanin o ano ang aming daramtin? Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang Kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya’t huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas; sapagka’t ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.” (MATEO 6:25-24)

Tungkol sa Paghatol sa Kapuwa: “Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo: at sa panunukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo. At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni’t hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sarili mata? Ikaw na mapagpaimbabaw , alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung makagayo’y makikita mong malinaw ang pagalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.” (MATEO 7:1-5)

Tungkol sa mga bulaang Propeta at Saserdote:
“Mangag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapwa’ sa loob ay mga lobong maninila.” (MATEO 7:15) “Mangag ingat kayo sa mga escruba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila’y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan; Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagkukunwaring banal ay nananalangin ng mahaba: ang mga ito’y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.” (LUKAS 20:46-47)

Tungkol sa pagtawag na Ama o “Father” sa mga sesardote o Pari:
“At huwag ninyong tawagin na inyong Ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka’t iisa ang inyong Ama, samakatuwid baga’y Siya na nasa langit.” (MATEO 23:9)

Datapwa’t ang tinutokoy ng ating Panginoon na Ama ay ukol sa Dios na Ama sa Espiritu at hindi ang ating magulang sa laman; sapagka’t nasusulat na ang mga salita ni Jesus ay pawang Espiritu at pawang buhay. (JUAN 6:63).
Kaya nga ang tunay na pinatutungkulan ng Panginoon dito ay ang mga saserdote at mga pari na nangawili na magpatawag na Ama sa mga tao; yamang sila’y hindi natin ama maging sa laman: bagkus nais nilang pumantay sa kapurihan ng Dios Ama.

Nguni’t kailanman ay hindi tayo nangatuto kay Jesucristo ng ganitong bagay, sapagka’t Siya man ay hindi nagnasang pumantay sa Dios ni hindi man nag-utos na siya’y tawagin natin na Ama, kundi inutos niya sa lahat ng mga tao na kilalanin at sambahin ang iisang Dios at Ama na nasa langit.
Tungkol sa Salapi at Kayamanan: “Mangilag kayo sa pag-ibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: Sapagka’t Siya rin ang nagsabi, sa anumang paraan ay hindi kita pababayaan.” (HEBREO 13:5) “Datapwa’t ang mga nagsisipagnasang yumaman; ay nangangahulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitong hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan. Sapagka’t ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming kalumbayan.” (1 TIMOTEO 6:9-10) “Sapagka’t wala tayong dinala ng anuman sa sanglibutan, at wala din tayong mailalabas na anoman. Nguni’t kung tayo’y may pagkain at pananamit ay masiyahan na tayo doon.” (1 TIMOTEO 6:7-8)

Tungkol sa Pagkain at Pag-inom
“Sapagka’t kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghihinanakit, ay hindi ka na lumalakad sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo. Sapagka’t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at pag-inom, kundi ang katuwiran, kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo. Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumain ng laban sa kaniyang budhi. Nguni’t ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka’t hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anoman hindi sa pananampalataya ay kasalanan.” (ROMA 14:15,17,20,23) “Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa pag-inom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath. Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni’t ang katawan ay kay Cristo.” (COLOSAS 2:16-17)

Tungkol sa Paghahain ng Alay:
“Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, samakatuwid baga’y ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang Pangalan.” (HEBREO 13:15) “Sapagkat mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking Pangalan sa mga Gentil; at sa bawa’t dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking Pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka’t ang aking Pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni’t sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake, at nananata, at naghahain ng isang marungis na bagay; sapagka’t Ako’y dakilang Hari, sabi ng Panginoong ng mga hukbo, at ang Aking Pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.” (MALAKIAS 1:11-14) At siya’y dumampot ng tinapay, at ng siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputol-putol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito’y aking katawan, na ibinigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, ang sarong ito’y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos ng dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y magsisiinom, sa pag-alala sa akin.” (LUCAS 22:17-20) (1 CORINTO 11:23-25)

Tungkol sa pagtitiis at pagpapatibay: “Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.” (LUKAS 14:27) “Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangagpapagal at nangagbibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingain. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagkat malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.” (MATEO 11:28-33) “Mga minamahal huwag kaayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo’y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo ay di-karaniwang bagay: Kundi mangagagalak kayo. Sapagka’t kayo’y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak. Kung kayo’y mapintasan dahil sa Pangalan ni Cristo ay mapapalad kayo; sapagka’t ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo. Nguni’t huwag magbata ang sinuman sa inyo na gaya ng mamamatay- tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masasama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba: Nguni’t kung ang isang tao ay magbata ng gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa Pangalang ito.” (1PEDRO 4:12-16) “Mangagdalahan kayo ng mga pasanin sa isa’t- isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. Sapagka’t ang bawa’t isa ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.” (GALACIA 6:2-5)

Tungkol sa Pagpapakabanal:
“Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisispakinig.” (EFESO 4:29) Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila’y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, na sila’y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig. At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin. Na sawaying may kaamuhan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila’y pagkaloobon ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng Katotohanan. At sila’y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.” (2 TIMOTEO 2:14,24-26) “Datapwa’t ikaw, oh tao ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pag-ibig, sa pagtitiis, sa kaamuan. Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan, hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo.” (1 TIMOTEO 6:11,14) “At pakabanaling kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan at ang inyong Espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.” (1 TESALONICA 5:23). “Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran, mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang Hari.” (1PEDRO 2:17)

Tungkol sa pagpapatuloy ng mga gawa ng Panginoon: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong mga dakilang gawa kaysa rito ang gagawin niya, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.” (JUAN 14:12) “At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, ang kaharian ng langit ay malapit na. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga may ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio. tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.’ (MATEO 10:7,8) “Magsiyaong kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang Evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas: datapwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahaan.” (MARCOS 16:15,16) “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa Pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat na mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasainyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” (MATEO 28:18-20)

Harinawa, mga kapatid, ating pagsikapang maigi na ganapin ang Banal na kautusan at katuwiran ng Dios upang kung magkagayo’y maipadama natin ang ating pag-ibig sa Dios at ang pag-ibig naman ng ating Dios Ama ay sumaatin;gaya ng nasusulat. “Dito’y ating nakilala na tayo’y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos. Sapagka’t ito ang pag-ibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang Kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.” (1 JUAN 5:2,3)



lordcenon
lordcenon
Latest page update: made by lordcenon , Aug 29 2007, 4:42 AM EDT (about this update About This Update lordcenon Edited by lordcenon


view changes

- complete history)
Keyword tags: banal kautusan saliksikin
More Info: links to this page
There are no threads for this page.  Be the first to start a new thread.

Related Content

  (what's this?Related ContentThanks to keyword tags, links to related pages and threads are added to the bottom of your pages. Up to 15 links are shown, determined by matching tags and by how recently the content was updated; keeping the most current at the top. Share your feedback on Wetpaint Central.)