Ang espiritung nanganganak ng mga espiritung sumasasa mga anak ng Dios na lahi ng Dios na mga taga langit Ayon sa Biblia Ang Dating Biblia
I Corinto 2:11
Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios.
Ang Dating Biblia
Juan 3:6
Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
Ang Dating Biblia
Juan 4:23
Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Ang Dating Biblia
Hebreo 12:9
Bukod dito, tayo’y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo’y parusahan, at sila’y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo’y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo’y mabubuhay?
Ang Dating Biblia
Mga Awit 68:5
Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao, Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
WALANG DIOS----ULILA
Ang Dating Biblia
Efeso 2:11-13
Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
Ang Dating Biblia
I Pedro 5:9
Na siya’y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
Ang Dating Biblia
Juan 10:16
At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
Ang Dating Biblia
Juan 14:6
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
YOU NEED CHRIST (as our brother) TO GO TO THE FATHER
Ang Dating Biblia
Juan 6:44
Walang taong makalalapit sa akin, maliban na ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya’y magdala sa akin; at siya’y aking ibabangon sa huling araw.
Bro Daniel (hook-up in lokal ng masinag)
Pinagmamag anak ang mga nagiisa, mga hiwalay sa ?Dios mga ulila
Ang Dating Biblia
Mga Awit 68:6
Pinapagmamaganak ng Dios ang mga nagiisa: Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo: Nguni't ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
Ang Dating Biblia
Mga Awit 94:9
Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
(syang gumawa ng bahay bata, makakapanganak)
Lahat ba ng espiritu ay pinaganak ng Dios???
Sino nanganak sa mga spirit?
Ang Dating Biblia
Hebreo 1:7
At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:
Ang Dating Biblia
Hebreo 1:13
Nguni’t kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
Ang Dating Biblia
Hebreo 1:5-6
Sapagka’t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako’y magiging kaniyang Ama, At siya’y magiging aking Anak?
Ang Dating Biblia
Juan 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mamatay, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang Dating Biblia
Juan 1:12
Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
Ang Dating Biblia
Juan 1:13
Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
Ang Dating Biblia
Mateo 23:15
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.
Ang Dating Biblia
I Corinto 4:15
Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
Ang Dating Biblia
I Timoteo 1:2
Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
<
file:Sound clip(10)2.amr>
Bro Eli
Ang Dating Biblia
I Timoteo 5:4
Nguni't kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito muna ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at magsiganti sa kanilang mga magulang: sapagka't ito'y nakalulugod sa paningin ng Dios.
Ang Dating Biblia
I Timoteo 5:8
Datapuwa’t kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.
Ang Dating Biblia
Roma 8:15
Sapagka’t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikakatakot; datapuwa’t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito’y sumisigaw tayo, Abba, Ama.
Ang Dating Biblia
II Timoteo 1:7
Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.
Ang Dating Biblia
Galacia 4:6
At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
Ang Dating Biblia
Roma 8:15
Sapagka’t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikakatakot; datapuwa’t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito’y sumisigaw tayo, Abba, Ama.
Ang Dating Biblia
Galacia 4:6
At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
Ang Dating Biblia
Galacia 4:7
Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
Nakakasigaw tayo ng Abba Ama, pag may spirit tayo ng pagkukupkup
Ang Dating Biblia
Roma 8:17
At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.
Ang Dating Biblia
Hebreo 12:9
Bukod dito, tayo’y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo’y parusahan, at sila’y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo’y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo’y mabubuhay?